Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Block screening ng Barcelona: A Love Untold, pinag-uusapan na

00 fact sheet reggeeGRABE ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil ngayon pa lang ay nag-uusap-usap na sa scheduling ng block-screening ng pelikulang Barcelona: A Love Untold na kinunan pa sa Barcelona, Spain mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan handog ng Star Cinema.

Kaya naman excited din ang KathNiel sa suportang ito ng kanilang mga loyalistang supporters.

Sabi ni DJ tungkol sa papel nila sa Barcelona, ”parang ito ang first movie namin na matured na talaga ang role. Parang ibang step naman ‘to, parang tapos na namin ang first step ng buhay namin.”

Hirit naman  ni Kathryn, ”second step na tayo ngayon, level-up na tayo.”

At dahil dito ay nakasisiguro kaming suportado rin ang pelikula ng San Marino Corned Tuna na ineendoso nina Daniel at Kathryn.

Hindi lang sa pelikula sila nag-level up kundi pati na rin sa TVC dahil nahanap na raw nila ang kanilang true love.

Parehong nag-enjoy sina Daniel at Kathryn habang isinu-shoot ang TVC ng San Marino Corned Tuna tulad din ng noong i-shoot nila ang pelikula nila sa ibang bansa.

Sina Daniel at Kathryn ang mga bagong Celebrity Ambassadors ng San Marino Corned Tuna.

Ang KathNiel ang maituturing na pinakasikat na love team sa bansa ngayon, at walang-dudang isa rin sa pinaka-sweet, on and off-cam.

Flashback to five years ago: Noong panahon na nagsisimulang maging sikat ang love teams, nang naghahanap pa ng perfect na maipapareha o maila-loveteam kay Kathryn.

May naiisip na sanang ipareha ang production kay Kathryn bago pa man dumating si Daniel pero sa hindi malamang dahilan ay mas nag-click ang KathNiel, na sinasabing the perfect love team was born.

Si Daniel at ang debonair boy-next-door looks at si Kathryn, sa mala-Princess charms. There has been no looking back since.

Ano ang naging pakiramdam ng KathNiel na sila ang bagong celebrity endorsers ng San Marino Corned Tuna? ”Sobrang saya, blessing talaga siya sa amin at sobrang okey pa ‘yung produkto, ang sarap!,” saad ni Daniel.

Ani Kathryn, ”’Yung totoong shot na kumakain ako, na-enjoy ko talaga siya. Ang sarap talaga!”

Para kina Daniel at Kathryn, sobrang aprub sa kanila ang sarap at healthy benefits na makukuha sa San Marino Corned Tuna na good for the heart, less oil more tuna. Mayaman sa Omega 3 at DHA at good for the heart and brain.

Kasalukuyan na ngang napapanood ang bagong TVC ng San Marino Corned Tuna na mas naging open sina Daniel at Kathryn sa naging simula at mga pinagdaanan ng loveteam nila.

Sabi nga ni Daniel, marami na silang nagawang ads na dalawa, pero ang I Found My True Love in San Marino Corned Tuna lang ang makapagpapakita kung paano sila nagkakilala at ang mga naging adventures nila bilang isang love team.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …