Sa araw na ito ay bibigyan natin ng daan ang reaksiyon ng mga karerista sa iba’t-ibang social network group hinggil sa pagkatalo ng kabayong si Mr. Universe sa ikapitong karera nung Linggo sa pista ng Sta. Ana Park (SAP).
Sobrang garapal ang sigaw ng nakararami na nakapanood nung pagdadalang ginawa ng kanyang hinete na si Apoy Asuncion. Nais nilang ipalinis at tanggalin ang lahat ng mga Board Of Stewards (BOS) ng tatlong karerahan sa bansa, lalo na diyan sa pista ng SAP na sobrang dami ng kalokohan. Kung hindi kayang ayusin ng mga opisyales sa Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ay dapat na sigurong galawan o trabahuhin na rin ito ng ating bagong Pangulong Rodrigo R. Duterte at parusahan ang mga magkakasabwat na opisyales na miyembro ng BOS at mga hinete na hindi kayang gawin ng PHILRACOM.
Narito ang ilang mensahe ng mga karerista:
“Dapat bigyan ng parusa ang mga hinete na gumagawa ng ganun, suspended for 1 year, tingnan ko lang kung hindi madala yang mga yan. Ang problema kase pati steward sa karera nagbubulag-bulagan, kitang kita ang ginagawa ni A.P. Asuncion kahapon kay Mr. Universe. Dapat gawaan nila ng aksiyon, hindi bulag ang bayang karerista. Kaya kaunti na palagi line up ng Sta. Ana sa klase ng pakarera nila, yung iba lumilipat na ng MMTCI.” – F.Villarias
“Masyadong garapal yung ginawa kay Mr. Universe, mga bobo na kayong steward kapag wala kayong ginawang aksyon diyan. Sobra-sobra sa garapal, kawawa mga mananaya sa inyo kapag wala kayong aksiyon na ginawa diyan. Sobrang garapal ang ginawa ni Apoy.” – T.Anderson
“Sobra yung kabayo hindi man lang kinayog at pinalo, hinahatak yung kabayo kaya nakatagilid yung ulo sana maaksiyunan ang garapalang ginawa ni Apoy.” – R.L. Cruz
“Ang dapat na sisihin ay iyong mga stewards, mga bulag kayo, walang ginawa kudi kumuha lang ng suweldo. Kaya hindi nadadala ang mga biyaherong jockey dahil kasi mga protektor kayo. Gumising kayo, dapat isabay na kayo ni Duterte. Kasabay ng mga adik sa mundo.” – T.Anderson
“Dapat talagang isama na iyang mga iyan sa listahan ni Presidente Duterte.” – N.Minpin
“Still waiting for a suspension announcement, pero mukhang wala yata talaga tayong maaasahan. Ang mga BOS na nga lang ang kakampi natin laban sa mga sindikato, kaso sila pa yata ang protektor ng sindikato? Kaya goodbye na ako sa Sta. Ana, sa may gusto pang mabiktima ay mag-isip na.” – J.Jose
“Dapat diyan kay Asuncion ay i-BAN iyan put.. iyan, sobra sa pigil ayaw talagang manalo. Nakuha ko pa naman si Sunday Surprise at pinuro ko siya. I-suspend iyan for life sa tatlong race track.” – J.Nonato
“Panigurado alam nang steward iyan kase walang suspension eh, dapat nanunuod si Duterte para maaksyunan ang pandarayang nagaganap sa mga karerahan. Lalo na sa Sta. Ana.” – L.M.Puno
“FY kayo Sta. Ana management, mga wala kayong awa sa ordinaryong mananaya. Hindi namin ninakaw pantaya namin sa inyo. Pinagpapaguran, dugo at pawis pa nga. Samantalang kayo daig pa ninyo ang holdaper. Hindi tataya kalian man. Karmahin sana kayong mga holdaper sa Sta. Ana.” – J.G. Nitubac
“Ang problema rin kasi hindi alam kung ano ba talaga ang role ng BOS. Kung tuta sila ng mga may-ari ng kabayo isipin nyo na lang kung ano kahinatnan ng mga pangarera sa mga susunod na araw. Malinaw dito ang conspiracy sa hinete, horse owner at bos. Saka natin tanungin sa sarili natin kaya ko ba sikmurain ang ganitong sistema ?” – M.Gionoo
“Halos lahat ng sangay ng gobyerno nalinis na ni Digong, eto nlang na karerahan ang pinupugaran ng katiwalian sa sabwatan ng mga koneksyon. Lalo na diyan sa Sta. Ana.” – J.Pabilic
REKTA’s GUIDE (San Lazaro/6:30PM) :
Race-1 : (9) Fighting Back, (7) Chiefkeefsossa, (6) Wanderlust.
Race-2 : (1) Rivers Of Gold, (6) Camry.
Race-3 : (5) Pampangueño, (9) Legionaire/Prinz Lao, (6) Tito Gene.
Race-4 : (7) Okatokat/Princess Ella, (6) Premo Jewel, (5) Valkan Lady.
Race-5 : (6) DRAMATIS PERSONAE.
Race-6 : (1) Time Of My Life, (4) Sobrangklass, (3) Chicks To Chicks.
Race-7 : (3) Fort Rae, (2) Humble Submission, (7) Spring Collection.
Race-8 : (8) SPACE NEEDLE.
REKTA – Fred Magno