ANG mag-asawang Yael Yuzon at Karylle Tatlonghari-Yuzon kasama ang Sponge Cola Band at si Frank Magalona ang kumanta ng official song para sa 2016 Philippine Olympic Team na tumulak patungong Rio de Janeiro, Brazil noong Biyernes, Agosto 5.
Sa ginanap na launching ng awiting Sabay Tayo sa Kamuning Bakery Café sa may Scout Ybardolaza, Quezon City na pag-aari ni Wilson Flores ay ikinuwento nina Yael at Karylle na sobrang excited sila sa munting regalo nila para sa ating 12 atleta na gagawin ang lahat para sa bansang Pilipinas.
Inabot daw ng tatlong linggo bago natapos ni Yael ang kantang Sabay Tayo, “this song took us three weeks to write and record, medyo matagal din kasi sometimes I write a song like five minutes, sometimes a day or sometimes like 14 years.
Singit naman ni Karylle, “may kasamang work-out (habang isinusulat ang kanta) para ‘yung mga patak ng pawis nanggaling sa work out na summer-mainit para kahit paano ay maramdaman din naming ‘yung training siyempre mahirap ‘yun.”
Dagdag paliwanag ni Yael, “parang you’re an actor or method actor na when you’re writing a sports song, you wanna be doing sports.
“Sana ma-feel nila (mga atleta) na sa bawat category na gagawin nila ang lyrics ng kanta (‘Sabay Tayo’).”
Parehong mahilig sa sports ang mag-asawang Yael at Karylle, “I’m into basketball, siya (K), naglalaro rin siya after her gym,” saad ng bokalista ng Spongecola.
“It’s a bonding na rin with Yael, sometimes with my dad (Dr. Modesto Tatlonghari),” sabi naman ni Karylle.
MAY LIMIT ANG ORAS NG PAG-AAWAY
Samantala, inalam din naming kung nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan sina Yael at Karylle sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama.
“Nag-set kami ng rule about that na if ever mayroon kaming argument and all that, puwede ka lang maging galit for two hours maximum.
“May joke kaming barkada na nagwo-work naman like may kaaway ka na five years na kayong hindi nag-uusap, kung sa mag-asawa, prep na ‘yun na nagsusuot na ng uniform at may favorite color, favorite song, favorite book, at nagsasalita na.
“So kapag ganoon na katagal ang galit mo, that’s too long at kapag 10 years ka ng galit, grade 3 na ‘yun. ‘Yung galit mo, ganyan na kalaking bata, na nagsasabing, ‘hi, hello tito, hello tita.’ Kaya gawin mo lang two hours ‘yung galit mo para embryo palang siya, kaya let it go. Because when you’re still mad after two hours, you’re wasting too much time, we’re only have like 65 years average life span,” malamang paliwanag ni Yael.
Sa tanong kung sino ang unang kumikibo pagkalipas ng dalawang oras na hindi pagkakaunawaan nina Yael at Karylle.
“Parang kailangan lang i-point out na, ‘uy two hours na, okay.’ Kailangan mo lang naman i-release o i-drop ‘yung galit mo. Kung alam mong ikaw ‘yung tama, eh, ‘di batiin mo ng ‘hi, hello’” pahayag pa ng asawa ni Karylle.
At mga simpleng bagay lang daw ang madalas na hindi pinagkakaunawaan ng mag-asawa, “usual couple stuff, ano nga ba? Hindi ko maalala kasi after two hours dina-drop ko na at saka hindi kasi kami masyadong ma-away na couple, eh,” katwiran ni Yael.
OKEY LANG KAHIT HINDI MAGKA-ANAK
Sa kabilang banda, tinanong namin kung hindi pa ba pinaplano nina Yael at Karylle ang pagkakaroon ng anak dahil dalawang taon na rin naman silang kasal.
At nagulat kami sa sagot ni Yael, “yeah, napag-usapan namin ‘yung entirety, pero hindi namin napag-usapan na gawin na ngayon or what parang, we wanna make sure na everything is in check like in terms of scheduling like kunwari if K (karylle) has a child now, ‘pag lunch time, nasa akin ‘yun, tapos ibibigay ko sa kanya ng mga hapon kasi ako naman ‘yung magwo-work sa gabi.
“So trafficking wise, medyo complicated siya, tapos hindi naman kami in hurry to have a child and the same time kasi if ever naman na we don’t have a child, I don’t have a problem either and she (K) doesn’t have a problem with that either kasi were this kind of over populated.
“And tuition is very expensive, so I don’t really mind. I’m not one of those people na kailangang magka-anak, eh. I mean, hindi ko rin ayaw ng children ha, but just the idea na like tuition is expensive like in Ateneo, it’s just like buying a car and I’m pretty sure na if it’s a boy, pupunta ng Ateneo ‘yun kasi Ateneo ako, Ateneo dad ko, Ateneo mga tito ko, pinsan ko kaya there’s no way not going to our school and it’s gonna happen, one big fight.
“Kaya okay lang naman sa akin kahit hindi (magkaanak), ayoko rin namang mag-settle for anything less, I mean, very practical ako, and okay naman kami (Karylle) kasi we’re enjoying talaga.”
Hmm, mukhang nalimutang banggitin ni Yael na Atenista rin naman ang asawa niyang si Karylle na nagtapos ng B.S. Management major in Communications Technology Management noong 2002 at dean’s lister pa. At si Yael naman ay nakatapos naman ng kursong AB English Literature, 2006.
Nabanggit pa ni Yael na pinakamahirap daw gawin kapag may anak na sila ay ang pagpunta sa ibang bansa.
“Kasi magiging plus $1352 ang bawa’t isa, kasi ano rin, ‘pag travel mo, kakain din naman ‘yung baby,” katwiran pa ng mister ni Karylle.
DREAM PUNTAHAN ANG GUAM AT BATANES
At ang dream daw na gustong puntahan ni Yael, “maraming dream spot na hindi normally sinasabi ng mga tao, ako gusto ko lang talagang puntahan at dati ko pa itong pangarap kasi most of all, I fly for free (retired flight attendant ng PAL ang mommy niya), rati ko pang gustong pumunta sa Guam (USA).
“Ang lapit-lapit lang ‘di ba? Kasi laging sinasabi sa akin, ‘Guam? After 4 hours, nakita mo na lahat.’ At kaya ko gustong makita kasi gusto kong ma-confirm na four ba hours talaga? At gusto ko ring makita na parang mayroon daw beach na Tumon beach, may mga museum din at maraming mga mall. Parang gusto ko lang magpuntang Guam, kasi usually sa LA (Los Angeles) ako nagpupunta kasi lahat ng relatives ko nasa LA, so parang lagi na lang akong nasa LA and Vegas or San Francisco never akong nagba-branch out. Kaya gusto kong magpuntang Guam at gusto ko ring magpuntang New York.
“Ayoko lang sa New York, mag-drive kasi mahirap mag-park, unlike in LA, roon ako nagda-drive.”
At kung lumalabas daw ng bansa ang mag-asawa ay ilang araw lang dahil hindi puwedeng abutin ng matagal dahil parehong may mga trabaho sila tulad ni Karylle na regular host sa It’s Showtime at may gig naman ang bandang Spongecola.
“Usually Sunday ako umaalis kasi lagi akong chance passenger tapos balik ako ng Wednesday or Friday morning kasi may gig sa gabi, para wala akong nami-miss na gigs at hindi ko naha-hassle ang bandmates ko. So, dumarating ako week-days. Ang longest trip ko yata since 2009 ay two weeks, ‘yun na ‘yun. Isang LA states lang,” katwiran pa ni Yael.
Bukod sa Guam ay gusto ring puntahan ni Yael ang Croatia na roon nag-shoot ang Games of Thrones at Ireland.
At kung Guam ang dream destination ni Yael ay ang Batanes naman ang gustong-gustong puntahan ni Karylle.
“Hindi pa kasi ako nakakapunta roon kasi ‘yung Math teacher ko, naging pari at doon siya sa Batanes,” sabi ng TV host/singer habang kumakain ng pandesal mula sa 77-year old pugon ng Kamunig Bakery Café.
FACT SHEET – Reggee Bonoan