Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, mahilig sa mga Australyanong bebot

00 fact sheet reggeeISINUGOD sa hospital kamakailan si Sam Milby dahil sa pananakit ng tiyan, ito ang sinabi sa amin ng aming source.

“Biglang namilipit wala namang ibang kinain kundi ‘yung may beef na ulam, isip namin baka gutom tapos kumain kaagad, hindi natunawan. Kaya dinala kaagad sa hospital, after check-up tapos pinagpahinga at may pinainom, umokey na, pinauwi naman, hindi naman na-confine, under observation,”  kuwento sa amin.

Hindi naman ba na-food-poison ang Doble Kara star? ”Parang hindi naman na ewan, hindi namin alam kasi hindi naman kami sinagot na noong tinatanong namin. Ang mahalaga, okay na si Sam.”

Baka nga nabigla ang tiyan ni Samuel Lloyd kasi mahilig itong magpalipas ng gutom lalo na kapag may ginagawa o trabaho, tatapusin muna niya lahat bago kakain at ngayon lang din namin narinig na kumain ulit ng baka ang aktor dahil usually, chicken, fish, at veggies ang kinakain nito.

At kaya ayaw niya ng beef, tanda namin sabi niya noon, ”mahirap matunaw” na totoo naman din.

Samantala, hindi na itinago ni Sam na girlfriend na niya ang ETC TV host, food blogger, at model na si Mari Jasmine Jones na walang dugong Pinoy dahil isa siyang half-Japanese at half-English na ipinanganak sa Tokyo, Japan pero sa Australia lumaki.

Nagtrabaho na si Mari Jasmine sa mga bansang Hongkong, Japan, Taiwan, Thailand, India, at France at na-in love siya sa Pilipinas noong bumisita siya rito kaya nanatili na siya rito lalo’t nakilala na niya ang lalaking hopefully makatutuluyan niya.

Tanda namin, binibiro namin si Sam sa solo-presscon niya noon para sa Doble Kara na mahilig siya sa Australian dahil nga ang ex-girlfriend niyang si Anne Curtis Smith ay isang Australian at itong si Mari Jasmine ay sa nasabing bansa naman lumaki.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …