Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AB crowd, tiyak na pupuno sa Richard and Richard The Chinito Crooners: A Salute To Classic Love Songs concert

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Richard Yap, magkakaroon sila ng show ni Richard Poon sa The Theater at Solaire sa Agosto 26, Sabado.

Naisip ng Cornerstone Entertainment CEO na si Erickson Raymundo na pagsamahin sa isang concert sina Poon at Yap na parehong ‘chinito’ at nakasisiguro siyang papatok ito sa mahihilig manood ng show lalo na ang Chinese community na parating sinusuportahan ang dalawa.

Why not? May album na rin si Yap na inilabas noong 2013 kasabay ng seryeng Be Careful with My Heart at talagang kumita rin dahil halos ang mga kanta ay ginawang theme song ng kilig-serye nila ni Jodi Sta. Maria.

Mas marami nga lang kantang puwedeng i-contribute si Poon dahil sa rami ng album na nagawa na niya na umabot pa sa Gold at Platinum awards.

At noong makausap namin ang dalawang Richard sa promo pictorial nila ilang buwan na ang nakararaan ay nabanggit sa amin ni RP (Richard Poon) na gagawa sila ng album ni RY (Richard Yap) na ang kanya ay Sinatra songs samantalang pop hits songs ng 80’s at 90’s naman ang sa huli.

At ngayon ay sabay na pala ang launching ng album sa concert nilang Richard and Richard The Chinito Crooners: A Salute To Classic Love Songs na mapapanood sa The Theater at Solaire, Agosto 26-Biyernes, 8:00 p.m..

Kuwento ni Ser Chief, ”we’re trying to revive the older songs which have very nice lyrics and make the younger ones appreciate it and making them more upbeat. So I hope magugustuhan ng younger generation as well as generation din namin.

Sabi naman ni Poon, ”ako naman, I see na ang market namin ay nanay at lola, walang choice ang anak kundi sumama dahil ang nanay ang bumili ng ticket. ‘Yung mga kanta, I agree with Richard (Yap) na ‘yung mga kanta ay gagawin naming upbeat so that the younger ones won’t say na it’s boring concert, it’s exciting energetic concert kaya ‘yun ang gagawin namin.

Sigurado kaming AB crowd ang pupuno ng show nina Yap at Poon sa The Theater ng Solaire dahil sa Chinese community na loyal supporters nila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …