Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tao na siya at hindi na siya robot — Juday to Sarah

00 fact sheet reggeeSamantala, nahingan ng komento si Juday tungkol sa relasyong Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na alam naman ng lahat na little sister ng aktres ang singer/actress.

Sa tingin ba ni Juday ay okay na si Matteo para kay Sarah G?  Pabor ba siya sa aktor para sa kanyang little sister?

“Ganito na lang, I guess kung hindi disenteng tao si Matteo at hindi siya ‘yung tipo ng tao na puwedeng magbigay ng maayos na buhay kay Sarah or he let’s Sarah feel the reality of life ay hindi sila magtatagal.

“I mean, he made Sarah feel na, ‘you’re normal person, you can get hurt, but you can still enjoy the little things in life, ‘yun ‘yung nakatutuwa sa kanila because nanonood kami ng sineng magkakasama na hindi bongga na tipong pa-reserve natin ang buong sinehan, hindi ganoon.

“Kain kami sa labas after, ganoon lang, just the four of us, walang pagpapakitang tao na what you see is what you get.

“I see Matt na parang si Ryan (Agoncillo), hindi ako magsu-sugar coat ng mga bagay-bagay, papakita ko sa ‘yo kung ano ako, anong mayroon ako, papaintindi ko sa ‘yo kung ano ‘yung priorities natin dapat.

“And on Sarah’s part, ngayon ko lang din siya nakitaan na, would go to that extra mile to stand a person (Matteo) and I’m really na she’s into culinary now, she’s making time for herself.

“Nag-explore na siya, nagagawa na niya ang gusto niya, tao na siya at hindi na siya robot (biro ng aktres) unti-unti, she’s coming out of her shell.

“Ganoon din naman ako rati, hindi nga lang ako singer pero alam mo ‘yung paunti-unti, she’s getting riskier and riskier by the day which is just right because kung mag-asawa ka na, and when you become a parent, you take so many risks for your children.

“And bilang tao, bago ka pumasok sa isang sitwasyon na may mga bata ka ng bubuhayin, enjoyin mo muna mga bagong nangyayari sa paligid mo, pagiging single mo.

“You take risk habang wala ka pang responsibilidad sa buhay, enjoy life. ‘Yun ang parati kong sinasabi sa kanya (Sarah), enjoy life, hindi mo puwedeng i-rewind ang nakaraan at sabihing hindi ko ito nagawa noon at gagawin ko ito ngayon, you cannot do that anymore when you get married and you have children,” mahabang paliwanag ni Budaday tungkol kina Sarah at Matteo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …