Monday , December 23 2024

Judy Ann hindi nanganay sa muling paggawa ng drama scene

00 fact sheet reggeeSa kabilang banda, tungkol sa pelikulang Kusina ay binanggit namin kay Juday na gusto namin ang eksenang nakikinig ng radyo habang kinakausap siya ng bunso niyang anak na lalaki para ipakilala ang kasintahan nito.

Magkahalong may naririnig at wala ang ipinakitang pag-arte rito ni Juday dahil habang nagsasalita ang anak ay idinidikit ng aktres ang tenga sa radyo sabay ng pag-ayos ng pihitan nito dahil natatalo ang radyo ang boses ng anak.

Sa kabilang banda ay gustong-gusto pa rin ni Juanita (Juday) na mapakinggan ang sinasabi ng anak hanggang sa umalis na.

Tugon ni Juday sa amin, ”oo nga, para akong baliw doon, hindi mo alam kung babaliw na dahil nga ‘yung atensiyon niya nasa radyo.”

Ang Kusina ay entry sa Cinemalaya 2016 na idinirehe nina Cenon Obispo Palomares at David R. Corpus at ipinrodyus naman ng Noel Ferrer Productions kasama rin ang Sirena Pictures, Cinematografica Films, Media East Productions, RSVP Films Studio, Outpost Visual Frontier, at Caffe Veloce Productions na nagkaroon ng advance screening sa Director’s Club Cinema 5F Fashion Hall SM Megamall noong Martes ng tanghali.

Noong huling makausap namin si Juday sa last shooting day ng Kusina ay sinabi niyang nangangalay siya o kinakalawang dahil matagal siyang napahinga sa pag-arte, at ang huling Cinemalaya na nagawa niya ang Ang Mumunting Lihim noong 2012 na drama at hindi naman considered ang Tyanak dahil horror daw ito.

Pero may mga nagsabing mas gusto nila ang breakdown scene ni Juday dahil mamatayan siya ng anak kaya naman tinanong siya kung paano niya na-motivate ang sarili dahil nga walang bakas na nanganganay siya.

“Ano lang siguro masyado ko na lang inirelate ‘yung karakter ko kay Juanita (pangalan ni Juday sa pelikula) and lahat naman tayo ay may mga buried emotions in the past na itinago natin at ayaw nating harapin for the longest time.

“Siguro ako, dumating lang ako sa puntong nagkaroon ako ng butas na ilabas ‘yung emosyon na ‘yun kasi nalimutan ko na ‘yun, eh.  May mga emosyon kang nalimutan kasi hindi mo siya naharap (naalala).

“At doon ko (emosyon) nagamit dahil may isang pelikula palang kailangan kong gamitin, salamat sa karakter nu Juanita kasi nai-relate ko siya roon,” paliwanag ng aktres.

Sa Kusina umikot ang istorya ni Juanita na walang ginawa sa buong buhay niya kundi ipagluto ang lahat ng mahal niya sa buhay na dumating sa puntong nakalimutan ang sarili.

Nanibago kami sa pelikula dahil nasanay kami sa indi movies na mabagal ang pacing at talagang detalyado bawa’t eksena na nakababagal sa istorya.

Nilagyan ng theatrical approach ang Kusina na mapapatanong ka kung bakit ang bilis ng mga eksena na katulad sa simula ng pelikula, ‘ipinapanganak palang si Juanita ng nanay na ginampanan ni Angeli Bayani ay ipinakita na kaagad si Juday na malaki na at malapit sa lola na ginagampanan ni Gloria Sevilla.

Ang paliwanag ni direk Cenon, ”when I first read the script base sa aking estilo kasi nanggaling ako sa experimental, so sabi ko, itong pelikula na nakalagay lang sa isang lugar (kusina), puwede itong baliin sa medium, so natatakot ako, but it’s a challenge. Since maganda ang venue namin for Cinemalaya na we can really experiment on the form, hindi katulad siyempre na kapag gumawa kami sa mas komersiyal na ruta ay hindi namin magagawa ito definitely.

“Kaya usapan namin dito ni David (sumulat ng scripts) ay itodo na talaga namin ang pag-experiment at pagpu-push ng boundaries niyong pelikula.”

Going back to Juday ay aminadong natatakot siyang sumali ngayong 2016 sa Cinemalaya, ”siyempre ‘pag sinabing Cinemalaya labanan ito ng baguhan, mahuhusay na mga direktor, mga gustong magpakita ng talento nila at para hintayin ako ng script na 10 years ago nanalo sa Palanca (awards) ay malaking pressure na ‘yun, pangalawa, mahuhusay na artista ang katunggali mo kasama mo si Ms Nora Aunor, ang dami namin.

“Pero more than anything, ang pinakamalaking factor dito ay nagawa mo siya ng sapat sa deadline namin, malaki man ang waistline ko, naihabol ko naman ang tahi ko (ceasarian section delivery), at least hindi siya bumuka habang nagbi-breakdown ako, ‘di ba?

“At saka naghahanap talaga ako ng istorya na puwede kong pagtuunan ng pagod at pansin at worth it na nawala ako ng 5 years sa pinilakang tabing, ha, ha, ha.

“Five years na Cinemalaya ulit (‘Muminting Lihim’ 2012), ito ‘yung pinaka-drama. Ang ‘Tyanak’ (2014) kasi horror, eh,” pahayag ng aktres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *