Friday , November 22 2024

Myrtle, nabalanse ang pag-aaral at pag-aartista

SUNOD-SUNOD ang tanong kay Miss Aileen Go, Vice President for Marketing ng Megasoft Hygienic Incorporated kung bakit hindi na si Maja Salvador ang endorser ng Sister’s Sanitary Napkins and Pantyliners.

Sa ginanap na launching ay si Myrtle Sarrosa na kasama ang Hotlegs Dancers ang bagong endorsers ng nasabing produkto.

Paliwanag ni Ms Aileen, “This year kasi, our objective is to encourage our students na ayusin nila ang education nila, siyempre para rin sa kanila ‘yun.

“Siyempre ‘tong little Sister (Myrtle) ko sobrang napakatalino, napaka-bait, at talented nasa kanya na lahat. For example ako ‘yung little sister niya, I would really like someone who is a celebrity whom I really looked up to.

“Sobrang natutuwa ako sa kanya (Myrtle) kasi she was able to balance her studies and work being a celebrity at hindi lang siya basta nag-aral, talagang running for cum-laude pa.

“Tapos may album pa siya ngayon, sobrang hanga ako kasi lahat ng songs niya, (8), siya ‘yung nagsulat, talagang sabi ko I really like someone like her as a sister na siya talaga ‘yung titingnan ng lahat ng kabataan ngayon.”

Magtatapos si Myrtle ng kursong Broadcast Communications bilang Cum Laude.

Ang advocacy ng Megasoft para sa 2016 na ‘Sister’s School Is Cool’ ay, “gusto po kasi namin ang mga kabataan ngayon na i-pursue nila ang mga pag-aaral nila kahit na sobrang may pinagdaraanan silang lovelife, financial at iba pa. Kaya tingin namin kay Myrtle ay Big Sister siya to all the students,” sabi ni Ms Aileen.

At kaya hindi na na-renew si Maja ay dahil hindi na pasok ang aktres sa kampanya, “’yung objective rin namin last year ay for the young professional kaya si Maja ‘yun. Sobrang thankful kami kay Maja dahil ‘yung sales namin ay talagang naabot, na-achieve natin ‘yung gusto nating mangyari.

“Kaya lang for this year kasi, we really opted to maximize the students naman, so naisip namin na dapat estudyante rin ang celebrity endorser.”

Say naman ni Myrtle para sa Sister’s School Is Cool campaign nila na talagang nagpupunta sila sa mga eskuwelahan sa iba’t ibang probinsiya.

“Gusto po talaga namin ng something meaningful at gusto naming ma-recognize ang mga student na nag-e-excel sa schools nila na kahit ang layo ng nilalakad nila from their house to school para lang makapag-aral.

“So, we really want to recognize their efforts pati rin ang mga teacher na nagsisikap talaga para maging bayani sa mga student natin.”

Naibahagi rin ng dalaga kung paano niya napagsabay ang pagiging artista at estudyante.

“’Yung experience ko talaga sa school and doing the same time ang showbiz, gusto ko talaga at the end of the day na mayroon ako talagang masasabi sa sarili ko na aside from doing showbiz, the things that I love, kaya ko ring i-manage ‘yung things sa school na alam ko namang in the near future ay magiging beneficial para sa akin at sa ibang tao.

“Iniisip kasi ng ibang tao na hindi natin kayang i-manage ang school, pati na rin ‘yung work. Gusto kong sabihin sa lahat na you could always manage at the same time if you really love what you are doing.

“Like a few months ago, ginagawa po namin ‘yung ‘Super D’ (fantaserye), nag-i-school po ako ng T-TH, so ‘yung klase ko from 7:00 a.m. to 7:00 p.m.. Wala po akong lunch break.

“Tapos pupunta ako sa taping ng MWF tapos ‘pag Saturdays and Sundays, doon namin ginagawa ‘yung recording ko for Ivory. So try ko po talaga na bawat second of everyday, you could always maximize it,” mahabang kuwento ng dalaga.

Kamakailan ay pumunta ng Mindanao sina Myrtle kasama ang Sister’s team para sa unang Sisters’ Choice Awards sa Norala High School sa South Cotobato at Gingoog City Comprehensive School sa Misamis Oriental. Ang mga nasabing paaralan ay nabigyan ng assistance bilang parte ng kampanya.

Kasama ang Hotlegs dancers na sina Nesh, Labb, Cath, at Alex sa ad campaign nila sa maraming lugar sa buong Pilipinas na may titulong I Love My Sisters na magpe-perform sila sa mga mall tulad sa SM Molina noong July 31, SM Dasma, Aug. 6, SM Baguio, Aug. 20 at SM Rosales Pangasinan, Aug. 21. Magiging parte rin ang I Love My Sisters Mall Concerts sa Kadayawan Festival na gaganapin naman sa Gaisano Grand Mall sa Davao sa Aug. 19.

Sa mga taga-Alabang, abangan ang Sisters’ Day na may temang We Are One, We Are Sisters sa Aug. 7 na gaganapin sa Starmall at kasama ni Myrtle sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, John Bermundo, Brace Arquiza, at Grae Fernandez.

ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *