Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vico, itinangging manliligaw siya kay Maine

00 fact sheet reggeeALIW kami na bina-bash ng AlDub fans sa isinulat naming nagpaalam si Vico Sotto sa amang si Vic Sotto na manliligaw kay Maine Mendoza na pinayagan naman daw, sabi ng aming source.

May nagpasa ng isinulat naming AlDub fans kay Vico at sabay tanong kung totoo ito at mariing itinanggi raw ito ng binata.

Okay lang na itanggi at nauunawaan namin dahil kailangan lalo’t mainit ang tambalang Alden Richards at Maine at tiyak namang hindi papayag ang supporters ng AlDub kapag may ibang lalaking mali-link sa dalaga.

Binangit sa amin na hindi na rin tuloy ang Pinoy version ng Koreanovelang My Love From The Star na pagsasamahan sana nina Alden at Jennylyn Mercado dahil nagbago raw ang plano ng GMA 7.

Sabi pa, “kumita ang ‘Imagine You and Me’ at hindi maganda kung ang next project ni Alden ay hindi si Maine kaya dapat may follow-up silang dalawa, kaya instead of Jennylyn, it would be Maine sa teleserye, kasi the next movie will be next year na.”

Kaya alam mo na Ateng Maricris kung bakit itinanggi ha….

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …