Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ayaw kong may ibang humahawak sa asawa ko — Jason

00 fact sheet reggeeKOMPIRMADONG hiwalay na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Finally, nagsalita na si Jason ng totoong dahilan ng paghihiwalay nila ng asawang si Melai na itinanggi niya noong una dahil nga siguro nagpipigil pa siya at baka maayos pa.

Ang programang We Will Survive ang dahilan kaya nasira ang pagsasama nilang mag-asawa, ayon mismo sa aktor.

Nasulat namin dito sa Hataw na nag-iiyak si Melai sa dressing room ng Magandang Buhay pagkatapos ng episode nila at kinalma siya ng co-hosts niyang sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Nang araw ding iyon ay guest naman si Jason sa It’s Showtime at kaagad siyang inabangan ng TV reporters para hingan ng komento, pero mariin niyang itinanggi ang isyu.

Hanggang sa nabalitang okay na ulit ang dalawa at may mga post pa sila sa kanilang social media na ayos na nga.

Noong Martes ay hindi na nakayanan pa ni Jason ang sama ng loob at isinulat niya sa anim na pahina ng yellow paper sa IG account nilang @babymelaifrancisco ang mga dahilan kung bakit sila nagkasira ng asawang si Melai.

Simula’t sapul pala ay may usapan na ang mag-asawa na kapag nagkaroon sila ng serye at hindi sila dapat magkaroon ng partner o ka-loveteam, pero hindi ito nangyari dahil sa programang We Will Survive ay si Carlo Aquino ang partner ni Melai.

Binanggit naman daw ito ng komedyana sa asawa na sa pilot week lang daw siya may partner para i-establish ang kuwento, pero nagustuhan ng viewers ito at tumaas ang ratings ng We Will Survive kaya na-retain ang tambalang Melai at Carlo.

Hindi na nagustuhan ni Jason ang lahat ng nangyayari sa programa ng asawa at binanggit pa ng aktor na nakiusap daw sila sa management at sa production ng We Will Survive na ibahin ang script at madali naman daw kung talagang gugustuhin, pero hindi raw sila pinagbigyan.

Sabi pa ng aktor na hindi raw kasi malaki ang pangalan ng Melason kaya hindi sila pinansin at ikinompara pa ang status nila kay Ms. Sharon Cuneta.

Sabi ng aktor, “kasi ‘ayaw kong may ibang humahawak sa asawa ko.”

Sa madaling salita, sobrang na-insecure si Jason sa lahat ng bagay, lalo na kay Melai na masasabing sa asawa na lang umiikot ang mundo niya at sa kanilang anak.

Sabin g aktor sa sulat niya, “hanggang sa dumating ang punto na nanlalamig na kaming mag-asawa sa isa’t isa, ‘di na nagpapansinan sa bahay.

“Hanggang sa ako’y sa kabilang kuwarto na natutulog. Almost two months na kaming ganoon. Ako’y iyak ng iyak parati, ‘di pa ako nakaranas ng ganoong iyak sa buong buhay ko, sa lungkot na nangyayari sa amin, hanggang sa dumating na parati na kaming nag-aaway.

“Nagkahiwalay na po kami. Wala na po ang Melason. OA (over acting) po ako magmahal sa asawa ko dahil ‘di po ako showbiz eh, sa akin lang ay dapat may isinasang-alang-alang ka, dahil po iba-iba po tayo ng sitwasyon sa buhay.”

Komento ng netizens pagkabasa ng mahabang sulat ni Jason ay dapat inintindi ng aktor si Melai dahil trabaho lang naman ang lahat at makatutulong ito sa pamilya nila.

Sa madaling salita, hindi tumugma ang We Will Survive sa mag-asawang Jason at Melai.

Sayang naman kung hindi sila magkaka-ayos ulit alang-alang sa kanilang anak na baby pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …