Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nang dumapo si Sgt. Mike sa Makati City?

USAP-USAPAN ngayon sa Makati City ang pangalan ng isang Sgt. Mike.

Hindi raw small time si Sgt. Mike, ayon sa ating tagabulong.

Kung nakadapo daw si Sgt. Mike sa teritoryo ng mga Binay, mas sikat daw ang mama sa bayan ng Batangas.

Kilala rin ang mama sa bansag na Big 3 sa lalawigan ng Batangas. Ang grupo nila ang sinasabing may palaro, may palaban ng EZ-2, lotteng, ending at 1-3-7 sa district 1 (ONE) sa Batangas.

Anyway, nag-aangalan na raw ang ilang bangker-capitalista ng sugal na jueteng, EZ-2, pasakla, at pa lotteng bookies sa Makati. Iyan daw ay ng makialam, magpataas sa mga ‘padulas’ de intelehensiya si Sarhento Mike.

Alam kaya ng chief of police at ni Mayor Abby Binay ang nangyayari sa kalakaran ng 1602 sa buong Makati??? May follow up.

ANG UTOS NI DUTERTE

TYPE na type ni pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa lifestyle check ang mga kagawad ng Philippine National Police.

Ito ay upang masiguro ng pangulo kung tugma ang nakasaad sa SALN ng mga pulis.

Anyway, hindi maiiwasan na ang karamihan sa mga opisyales at non-commission officer ng PNP ay magsiyaman, lalo na ang mga chief of police, district directors, PCP commnders, provincial directors,  regional directors at ang mga na-assigned sa drug enforcement unit.

Ang chief of police kapag tumagal ng isang taon o higit pa sa isang first class na municipalidad, haping-happy sila. Iyan ang katotohanan.

Tama kaya ako Mr. FPJ ng Pasay City???

Teka, papaano naging milyonaryo ang dalawang Ginoong FPJ?

HINDI NA KINAKAGAT ANG ENDORSEMENT

MARAMI raw sa mga opisyal ng Philippine National Police ang naging matamplay ng manalong pangulo si Digong Duterte.

Abot na kasi nila na mawawalan na nang bisa ang endorsement ng isang local government unit, ang mayor, at ang governor. Sa pagkakaalam ko ay kasama rin rito ang religious group.

Kaya ang opisyal ng PNP na nakadikit kay CPNP director general Ronald “Bato” dela Rosa ang naging masuwerte.

Tama kaya ako Senior Supt. Noli Bathan ng Pasay?

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mario Alcala

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …