Monday , December 23 2024

Funny Ka Pare Ko!, ‘di binibitawan ng viewers

MAS pinalaki ang hit show ng ABS-CBN TVplus na Funny Ka Pare Ko!,ang first-ever sit-com sa Philippine digital TV, dahil mas siksik ito sa katatawanan, mga aral sa pera, at ang pagsama ng loveteam na TomiHo sa cast para sa isang family bonding na puno ng good vibes.

Umiikot pa rin ang kuwento ng season two ng Funny Ka Pare Ko! sa pagharap ng mga nakatatawang pagsubok sa buhay ng pamilyang Filipino. Sa season two, matagumpay nang nabayaran nina Bigboy (Bayani Agbayani) at Carla (Karla Estrada) ang kanilang P200,000 na utang.

Pagsisikapan nilang mapalaki ang kanilang karinderya gamit ang ipon sa pagpapatawa at pagluluto, ngunit yayanigin muli ang buhay nila ng problema nang biglang kailangan nilang tulungan si Momshie (Christina Medina), ang mother-in-law ni Bigboy sa kanyang problema sa pera nang magkaaberya ang kanyang negosyo na PERAmid, na nangangakong mapaganda ang buhay ng mga tao. Ngayon, kailangan tulungan nina Bigboy at Carla si Momshie para maayos ang problema.

Trending tuwing Linggo sa Twitter ang Funny Ka Pare Ko! tuwing eere na ang episodes nito. Ang unang season ay umere noong Abril at ngayon ay ipinalalabas na ang second season.

“Ayaw kaming bitawan dahil kami ang unang locally produced ng CineMo na sit-com. Baby nila kami,” Bayani said.

Pinag-usapan naman nina Karla at Bayani ang kanilang comedy style at kung paano sila magbitaw ng mga linya at punchlines.

“Ako pinag-aralan ko ‘yung bitaw niya (Bayani) para may timing ako sa bitaw niya. Minsan hahanapin mo talaga kung paano ka bibitaw na magiging normal ka rin lang dahil ang pinaka-best acting is the natural acting,” Karla explained.

“Maraming adlibs. Alam na namin kung paano huminto kapag may nagsasalita. Alam na naming tumawa kapag may punchline na bibitawan kasi nahuhulma talaga ‘yon,” ayon pa kay Bayani.

Samantala, patuloy naman ang paghahatid saya ng mga Komikeros sa bagong kabanta ng kanilang buhay bilang performers sa live comedy show na Tawa ng Tanghalan sa eatery ng mga Delyon. Mas pinarami na rin ang guest performers sa Tawa ng Tanghalan.

Sasabak din sa pagpapatawa at pagpapakilig ang real-life couple na sinaTommy Esguerra at Miho Nishida na mas kilala bilang TomiHo sa Funny Ka Pare Ko!. Gagampanan nila ang mga karakter nina Neneng (Miho), ang kapatid ni Nonong (Jason Gainza), at si Tom (Tommy), half-brother ni Pags (Alora Sasam), na ipaglalaban ang kanilang pag-iibigan kahit may language barrier.

Ayon kay Miho, natutuwa siya na bahagi na ang TomiHo loveteam sa second season ng Funny Ka Pare Ko!.

Aniya, “Masaya, super dahil mahilig din ako manood ng comedy tulad ng ganito (Funny Ka Pare Ko!).”

Ibinahagi naman ni Tommy ang kanyang experience sa first shooting day sa Funny Ka Pare Ko! set.

“I was super shy. Mahina ang boses ko,I was shy with acting, with the other cast, but everyone made me feel warm and welcome,” Tommy said.

Ang CineMo ay isang all-day male entertainment channel at isa ito sa mga premium channels na mapapanood sa ABS-CBN TVplus, ang kauna-unahang digital television service sa bansa. Pinalalabas dito ang iba’t ibang pelikula, mapa-action, comedy, horror, sexy, at fantasy.

Inilunsad noong nakaraang taon ang ABS-CBN TVplus na naging susi para maranasan ng mga Filipino ang digital TV na mas malinaw ang panonood ng telebisyon gamit ang digital signal transmission. Maliban sa exclusive channels, nakakasagap ang ABS-CBN TVplus box ng signal mula sa ibang channels na naka-broadcast in digital. Ang ABS-CBN ang unang media at entertainment company sa bansa na nanguna sa pagpapakilala at paggamit ng digital TV.

Paano kaya malalagpasan ng pamilya Delyon ang mga hamon sa buhay gamit ang comedy? Abangan sa Funny Ka Pare Ko! tuwing Linggo, 9:00 p.m., sa CineMo ng ABS-CBN Tvplus.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *