Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vico Sotto, nagpaalam kina Vic at Coney para ligawan si Maine

00 fact sheet reggeeTRULILI kaya na nagpaalam si Vico Sotto, anak ni Vic Sotto kay Coney Reyes na liligawan nito si Maine Mendoza at balitang pinayagan naman daw ng TV host/actor.

Nakatsikahan namin kamakailan ang aming source na kaya sobrang asikaso ni Vico si Maine kapag nasa remote ang Eat Bulaga sa Barangay na nasasakupan nito sa Pasig City at dahil nga gusto nitong manligaw at alam daw ito ng mga taga-produksiyon.

Hindi nga lang daw mai-broadcast ang panliligaw ni Vico kay Maine dahil sa loveteam nila ni Alden Richards.

Oo nga naman, tiyak na magiging kontrabida ang anak ni bossing Vic sa tambalang AlDub at baka walang humpay na bash ang matikman nito.

Eh, teka, hindi ba nanliligaw si Alden kay Maine?  Kasi kung hindi, eh, may dahilan pala kaya nagpaalam si Vico sa tatay niya.

Siguro nga huwag munang umeksena si Vico habang mainit pa ang AlDub lalo’t kumukita pa rin sa mga sinehan ang Imagine You and Me.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …