Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Curfew sa kabataan, gustong alisin

Dragon LadyBakit kailangan na alisin ng isang grupo ng Progresibong Kabataan ang Curfew na isinagawang ordinansa ng lokal na Pamahalaan, gayong ito ay higit na nararapat dahil maiiwasan ang mga batang kalye na disoras ng gabi ay nasa lansangan pa.

***

Hindi pabor ang nakararami dito, dahil ito ay isang magandang disiplina sa mga kabataan na napapariwara,at nalululong sa mga iligal na gawain,kung sinuman ang nasa likod ng grupong ito ng kabataan, mag-isip -isip muna, bago gumawa ng hakbang!

Mag-amang napatay ng mga Pulis Pasay nailibing na

Pighati hanggang ngayon ang pamilya ng napatay na mag-amang sangkot umano sa iligal na droga, kamakailan sa lungsod ng Pasay, dahil dito unti-unting nawala ang tiwala ng ilang residente ng lungsod sa kapulisan, dahil ang bulok na sistema ang umiiral, NAHULI na, PINATAY pa!, yan ang mga katagang namumutawi ngayon sa bibig ng mga residente ng Pasay.

***

Ayon sa aking nasagap na inpormasyon, kusang loob na unti-unting umaalis na ang mga pulis sa Pasay, at ilang opisyal., mula nang maupo itong si P/Senior Supt. Nolasco Bathan, mukhang may problema sa bagong hepe !!tsk..tsk…tsk… Minsan kakuwentuhan ko ang ilang pulis,tanong ko sa kanila, kung okey ang bagong hepe…walang sagot kundi isang dura na PWE!wow! mukhang hindi nga gusto ang bagong hepe!

***

Minsan, gusto ko sanang bumisita sa opis ni hepe, nangangamba ako na baka di ako papasukin dahil ayaw umano ng mediamen nito, gusto ko sana malaman kung totoo ang sinasabi ng aking mga kasamahan, hindi ko na lang itinuloy, baka kasi maging bastos ang inyong lingkod, ayaw na ayaw ko kasi na mabibigo ako pag ayaw ako harapin!

Mga Police Chief, binigyan ng Ultimatum

Binigyan ng Ultimatum ni PNP Director, Ronald “Bato” de la Rosa ang lahat ng hepe ng pulis, Provincial Director, at Regional Director, na  magkaroon ng accomplishments, partikular sa mga malalaking sindikato ng droga at ibang krimen dahil mamamaalam na ang mga ito sa kanilang puwesto sakaling nakaupo lamang sa kanilang mga opisina at walang aksiyon!

Hepe ng Pulisya na nagpapataas ng Intelehensiya!

Bulong ng mga club owner sa dalawang  siyudad sa kalakhang Maynila, na itong si Chief of Police na nagmamalinis dahil bagong upo lamang ay nagpapataas ng intelehensiya! Umaangal ang mga club owners dahil mahina na ang nagosyo,Pati na mga illegal vendors,umaangal din! Paging PNP Director “Bato” de la  Rosa, ano ba itong mga nilagay mong hepe, PACMAN!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …