Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wansapanataym umaapaw sa taas ng ratings (“Candy’s Crush” nina Jerome at Loisa)

SA  magkasunod na episode noong July 10 at 17 ay parehong umabot sa 37% ang naitalang ratings ng bagong handog na episode sa WANSAPANATAYM Presents: “Candy’s Crush” na pinagbibidahan ng tambalang Jerome Ponce at Loisa Andalio.

Ang cute naman kasi ang istorya na nag-umpisa sa campus heartthrob na si Paolo played by Jerome na pantasya ng girls na ginayuma ni Candy (Loisa) gamit ang love spell book na bigay sa dalaga ng matandang kanyang tinulungan.

Pero imbes makaganti siya at sa kanya ma-inlove si Paolo, sa kaibigan nitong si Amanda (Amy Nobleza) napunta ang gayuma at siya ang kinahumalingan ng binata. Ang tingin ni Paolo kay Amanda ay diyosa ng ka- gandahan na inabuso naman ng huli at pati ang kaibigang si Candy na concern sa kanya ay madalas niyang paiinggitan.

Pero natapos na rin ang ilusyon nito nang mag-attend siya ng birthday party ng ex Beauty Queen (Maria Isabel Lopez) na mommy ni Paolo at tanggalin sa kanya ng matanda ang love potion na kasama ni Candy sa party noong mga oras na ‘yon.

Nang malaman ni Paolo na niloko at pinaikot siya ni Amanda,  maging kay Candy ay nagalit rin at kung ano-anong masasakit na salita at pangmamaliit ang ginawa niya sa magkaibigan.

Bagay na hindi pinalampas ng matanda kaya tinuruan ng leksiyon ang binata na ginawa niyang pangit sa paningin ng lahat at maging ang pamilya niya ay hindi siya nakikilala.

Si Candy, na nakaranas sa kanya ng pang-aapi ay mukhang siya pa ang tutulong sa bandang huli.

Kakaiba ang magic na love story na hatid ng Candy’s Crush, mapapanood sa ABS-CBN-2 after Rated K.

Mother Lily Monterverde ratsada pa rin

30 PELIKULA GAGAWIN NG REGAL FILMS NGAYONG 2016

Dekada 70 nang nag-umpisang mag-produce ng movies si Mother Lily Monteverde sa ilalim ng pag-aaring Regal Films.

Dahil sa pagmamahal ng Chinese produ sa industriya, hindi na siya huminto sa paggawa ng malalaking pelikula na pinagbidahan ng mga tulad nina late Fernando Poe, Jr., Guy and Pip, Regal Babies, Kris Aquino, the late Rene Requistas at marami pang iba na pawang mga tumabo sa takilya.

Ngayon majority ng mga bagong produce ni madera ay pinagbibidahan ng millenial stars at ngayong 2016 ay 30 films ang nakatakdang gawin ng Regal Films, kabilang na rito ang kasalukuyang palabas sa mga sinehan na “I Love You To Death” nina Kiray Celis at Enchong Dee.

Next in line naman ng Regal na ipapalabas sa Agosto 10 ang “That Thing Called Tanga Na!” Stars Eric Quizon, Billy Crawford, Kean Cipriano at Martin Escudero kasama si Angeline Quinto na first time gumawa ng movie sa said movie outfit at si Direk Joel Lamangan ang director nito.

Nakalinya na rin ang “The Escort” nina Lovie Poe, Christoper de Leon at Derek Ramsay, “Never Been Touched Never Been Kissed” na aliw movie nina

Jake Cuenca at Angeline Quinto na si Lamangan pa rin ang nagdirek ganoon na rin ang Alex Gonzaga at Joseph Marco team-up na “My Rebound Girl” na si Emman and director.

Palaban pa rin ang Regal matriach gyud!

BACK TO BACK – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …