Monday , December 23 2024

Mata ni Arjo ‘hayup’ kung ilarawan ng mga nanonood ng FPJ’s Ang Probinsyano

HINDI lang ang Doble Kara ang winner sa ratings game kundi pati ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinag-uusapan ng mga empleado ng malaking kompanya sa Makati City noong Martes.

Alam kasing may konek kami sa ABS-CBN kaya tinanong kami kung bakit pinatay na si Lolo Delfin na ginagampanan ni Jaime Fabregas.

Sabi pa sa amin na magpapalagay na raw sila ng TV plus sa mga sasakyan nila para mapanood ang Ang Probinsyano kasi nasa daan pa raw sila kapag ipinalalabas na ito.

Napatawag kami kay Myan Vera Marucut na taga-Corporate Communication para alamin ang tungkol sa discount ng TV plus at ipinasa naman kami sa taong in-charge rito.

Sinabi namin sa mga empleado ng nasabing kompanya ang tungkol sa pagbili ng TV plus at sila na raw ang makikipag-coordinate.

Isa pang gustong-gusto ng mga kausap naming empleado ay ang aktor na si Arjo Atayde bilang kontrabida ni Coco Martin.

“Hayup ‘yung mata niyong Arjo, lahat nagkakasayahan, siya nakangiti pero mapakla at ‘yung mata lang niya ang gumagalaw. Tapos ‘yung eksenang nabaril si Lolo Delfin, lahat aligaga at nag-iiyakan na, ‘yung Arjo, wala lang, nakatingin lang. Magaling siyang kontrabida talaga, bagay sila ni Coco magsama sa pelikula,” say sa amin ng empleado na huwag daw naming banggitin ang pangalan niya.

Anyway, napanatili naman ng Ang Probinsyano ang pagiging number one sa buong bansa base sa datos ng Kantar-Media sa national TV rating nito na 42.4% noong Lunes kompara sa bagong programang Encantandia na nagtala ng 21%; sa Rural ratings naman ay nagtala ng 45.2% ang FPJAP at 18.8% naman ang fantaserye ng mga sangre; 38.4% naman sa Metro Manila at 24.1% at sa Mega Manila ay 34% at 28.8% naman in favor lahat sa aksiyon serye ni Coco.

Panalo rin ang FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes na nakakuha ng datos na 44.2% at ang Encantadia naman ay 19.6%.

Hindi naman nakatatakang manalo ang programa ng ABS-CBN dahil top trending topics ang salitang Probinsyano at official hashtag na  #FPJAPUltimatum sa Twitter noong Lunes.

Parang pelikula ang episode ng AP noong Lunes dahil maganda ang pagkakagawa ng kuwento nito.

Maraming aral na napupulot ang buong pamilya tulad ng pagtutulungan at pananatiling matatag at nagkakaisa at siyempre maganda ang imahe ni Cardo bilang tagapagligtas at tumutulong sa nangangailangan at sa pulisya.

Malayo pa ang itatakbo ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya mas natsa-challenge si Coco blang Cardo sa mga bubuuin nilang episodes at mga susunod pang guests na pawang malalaki ang pangalan sa showbiz.

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *