Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, na-starstruck kay Dela Rosa

00 fact sheet reggeeNAGKAKILALA na rin sa wakas sina Coco Martin at Philippine National Police Chief General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa noong Miyerkoles nang puntahan ito mismo ng aktor sa opisina.

Matatandaang sinabi ni Coco na gustong-gusto niyang makilala ang bagong hirang na PNP Chief lalo’t doon sila nagte-taping para sa aksiyong seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

At noong Miyerkoles nga ay natupad na ang pangarap ng aktor dahil nagkausap na sila ni Dela Rosa.

Base sa report ng TV Patrol ay na-starstruck si Coco nang makaharap  si Dela Rosa.

Sabi raw kay Dela Rosa, ”Maganda ang ginagawa niyo sa ‘Ang Probinsyano.’ Bumabalik ang kompiyansa ng mga tao sa mga pulis.”

Kaya hanggang tenga ang ngiti ng aktor nang marinig ito at sabi pa raw ng heneral, ”Sana tuloy-tuloy na iyan.”

Ibig sabihin ay ayaw pang patapusin ng PNP Chief ang Ang Probinsyano, so aabutin ito ng six years, Ateng Maricris?

Bale ba nagbiro kami sa program manager ng programa na si Ms Dagang Vilbarna anim na taon ang itatakbo ng show dahil nga tumutulong ito sa kampanya laban sa krimen at napangiti sa amin ang TV executive.

Sumasabay din kasi ang episodes ng Ang Probinsyano dahil tinatalakay nito ang  illegal drug trade, prostitution rings, police corruption, child abductions at ang kasalukuyang umeereng pagpatay sa mga kilalang tao.

At ang komento ni Coco kay Dela Rosa, ”Nakatutuwa na napaka-down-to-earth niya at napaka-simple. Nagpapasalamat din po ako sa suporta na ibinibigay sa amin ng PNP, sa tulong na ipinagkakaloob nila sa amin.

“Nagpapasalamat din sila na dahil sa soap opera na ginagawa namin eh naibabalik ang tiwala at pagmamahal ng mga tao sa pulis.

“Honestly, napakasarap po sa pakiramdam namin. Talaga pong pinaghihirapan namin ang aming trabaho.

“And bukod pa roon, para po sa amin, masarap sa pakiramdam na nakatutulong po kami sa ating gobyerno, sambayanan para masugpo ang mga kriminalidad dito sa Pilipinas.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …