Monday , December 23 2024

Sylvia, super faney ni Sharon; Pagkanta ng themesong ng The Greatest Love, sobrang ikinatuwa at iniyakan

00 fact sheet reggeeAKALAIN mo Ateng Maricris,Sharonian pala  si Sylvia Sanchez, hindi naman niya ito nababanggit, hanggang sa ipalabas na ang teaser ni Sharon Cuneta na siya ang kumanta ng theme song ng seryeng The Greatest Love na pareho rin ang titulo.

Nagulat daw ang aktres nang banggitin sa kanya na si Sharon dahil ang Megastar ang dahilan kaya pinasok ni Ibyang ang mundo ng showbiz.

Kuwento sa amin ng aktres, nasa high school pa lang siya at nasa Barangay Nasipit, Agusan del Norte noon nang hindi siya pumasok sa klase para lang lumuwas patungong Butuan City para lang manood ng Sana’y Wala Nang Wakasna ipinalabas noong 1986 na ang bida ay sina Sharon, Dina Bonnevie, at Cherie Gil na na idinirehe naman ng namayapang si Leroy Salvador.

“Naiiyak ako na masaya kasi ‘tong first bida role ko na ‘The Greatest Love’, kinanta ni Sharon sa ‘Sana’y Wala Nang Wakas’, kaya gustong-gusto ko ‘tong kanta kasi Sharonian talaga ako.

“Noong hay-iskul ako, um-attend lang ako ng flag ceremony tapos umalis na ako ng school, bumiyahe ako papuntang Butuan para lang manood ng ‘Sana’y Wala Nang Wakas’.

“At dahil sa pelikulang ‘yun at kay Sharon, inisip ko, gusto kong mag-artista, kaya noong may pumuntang talent coordinator daw, sumama kaagad ako paluwas ng Maynila, tapos iba pala nangyari.

“Anyway, hindi naman kasi ako nagsasabi, pero Sharonian talaga ako, noong nalaman ko na si Sharon ang kakanta ng theme song nitong soap drama ko na ‘The Greatest Love’, naluluha ako, kasi hindi ko inaasahan ito, isipin mo, after 27 years, na pinanonood ko lang si Sharon, heto bida na ako at si Sharon pa ang kumanta, ‘di ba?

“Apat ang hinahangaan kong aktres, si Sharon kasi kainitan niya noon Megastar siya at gusto ko siyang umarte rin, tapos si Janice de Belen at Maricel Soriano, talagang idol ko sila sa pag-arte, pero ang gusto kong sundan ng yapak, si Cherie Gil kasi kontrabida siya.

“Gusto ko kasi ang papel ni Cherie Gil, nang-aaway, ha, ha, ha gusto ko ‘yun at hindi siya nawawalan ng project maski na nawawala siya, umaalis tapos pagbalik, mayroon uli siyang project kasi magaling talaga siya.

“Sa mga kantang gusto ko, apat lang ang alam kong kanta at memoryado ko, ang ‘Sana’y Wala Nang Wakas’ dahil kay Sharon, ‘That’s What Friends Are For’ na kinanta nilang tatlo sa movie, ‘Hiram’ ni Zsa Zsa Padilla kasi gusto ko ‘yung melody, pero hindi ako ‘hiram’ ha, asawa ako, at itong ‘The Greatest Love’ kasi kinanta nga ni Sharon, ha, ha, ha,” mahabang kuwento ni Ibyang.

Sampung taon na raw ang nakararaan nang magkakilala sina Sharon at Sylvia,”Oo 10 years ago sa birthday ni tita Angge, tanda ko, magkasama kami sa table, kuwento siya ng kuwento, ako nakatitig lang, tulala ako talagang speechless ako kasi kaharap ko ang idol ko.

“Tapos nakasama ko siya sa movie nila ni FPJ (Fernando Poe Jr), pero guest lang ako kasi dream sequence ‘yun, ‘Kahit Konting Pagtingin’ (1990), nanaginip kasi si Sharon na ikinakasal sa ibang babae si FPJ, ako ‘yung pinakasalan. ‘Yun lang.

“Kaya sana makasama ko siya sa project, maski na anong project basta makasama ko lang si Sharon.

“Sina Maricel at Dina (Bonnevie) nakasama ko na sa movie, forgot ko na title at si Cherie nakasama ko sa teserye, silang tatlo, nakasama ko sa full length, si Sharon lang hindi kaya sana magkaroon din.

“Sobrang saya ko talaga Reggs, grabe, hindi ko ini-expect talaga, mahal ako ng Diyos, kaya sobrang nagpapasalamat ako. Sa lahat ng taong naging dahilan kaya ako narito ngayon sa kinalalagyan ko at sa mga suporta ng lahat ng nakatrabaho ko sa ABS-CBN, sa mga boss ko, sa mga naniniwala sa akin salamat ng sobra-sobra,” masayang tinig ni Ibyang.

Samantala, wala pang petsa kung kailan ipalalabas ang The Greatest Love na kasama rin sina Dimples Romana, Aaron Villaflor, Mat Evans, at Andi Eigenmann mula sa GMO unit at si Dado Lumibao ang direktor.

Nakatakdang magkaroon ng mall show si Ibyang para sa promo ng The Greatest Love kaya namomroblema siya kung ano ang kakantahin niya.

Sabi namin, eh, di ‘yung apat na kantang saulado niya, papalit-palit.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *