Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, muling pinapirma ng kontrata ng GMA

MISMONG si Willie Revillame—sa pamamagitan ng text message—ang nag-aanunsiyo ng mga pigurang inaani sa ratings ng kanyang  Wowowin.

Ang latest, nagtala ang kanyang pang-araw-araw na programa ng mahigit seven (7) points as opposed sa katapat nitong We Will Survive na pinakamataas na ang apat na porsiyento ang nakukuha.

Kaya naman walang pagsidlan ang tuwa ni Kuya Wil these days lalo’t pumirma siyang muli ng one-year contract sa GMA.

Samantala, nagpaumanhin naman ang TV host sa kanyang ‘di pagsipot nang pasinayaan ang meat shop ng kanyang nanay-nanayang si Cristy Fermin.  Last July 8 binuksan sa publiko ang Meat Ferminute ng batikang kolumnista/radio anchor.

Ani Kuya Wil, lumuwas kasi mula sa Baguio ang kanyang mga anak kabilang si Meryl Soriano at ang anak nito. ‘Yun lang daw ang kanilang time para mag-bonding.

By the way, tatak-Susan’s ang pangunahing processed meat label na itinitinda sa puwesto ni Tita Cristy na katabing-katabi mismo ng kanyang art gallery (Mga Obra ni Nanay) na matatagpuan sa #3 Scout Gandia cor. Sct. Reyes Sts.

Ang Susan’s—named after Susan Hernandez na dating nagtatrabaho sa banko—ay kilala sa buong Nueva Ecija, ang home province ni Tita Cristy.

Kabilang din sa mga produktong mabibili roon ang Ariel’s Silvanas mula sa gatas ng kalabaw.

So there.

( RONNIE CARRASCO III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …