HUMARAP na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang tinaguriang drug lord na si Peter Lim, sinasabing isa sa mga bahagi ng drug triad na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasama ni Lim ang kanyang abogado nang magtungo sa tanggapan ng NBI at humarap sa isang closed-door meeting sa mga opisyal ng ahensiya.
Ayon sa abogado ni Lim, layunin nitong linisin ang pangalan ng kanyang kliyente.
Una na rin humarap si Lim kay Pangulong Rodrigo Duterte at itinangging may kaugnayan siya sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
( LEONARD BASILIO )