CHALENGE kay Raymond Cabral na maging leading man ni Aiko Melendez sa advocacy film na Tell Me About Your Dream. Ito ay sa ilalim ng Golden Tiger Films na pag-aari ni Ms. Tess Gutierrez at pamamahalaan ni Direk Anthony Hernandez. Isasali ang naturang proyekto sa film festivals sa Sydney, Australia, at Orange Film Festival sa Turkey.
Gagampanan ni Raymond ang isang OFW mula Japan, samantalang si Aiko ay misis niya na isang teacher na magtuturo sa mga Aeta.
“Actually masaya po, first time kong makakasama sa trabaho si Ms. Aiko sa pelikula. Kaya parang kinakabahan na excited po ako rito, beteranang aktres na kasi siya at award-winning pa.
“Hindi po maiiwasang kabahan po ako, kaya gagawin ko talaga ang lahat, para magampanan ng maayos iyong role ko rito,” bulalas ng actor.
Naging bahagi si Raymond ng seryeng We Will Survive na gumanap siyang kapatid ni Jeric Raval.
Nakatapos na rin siya ng dalawang indie films . Bida siya sa Amalanhig na isang horror film at mula sa direksiyon ni Jun Posadas. Ang isa pang nagawa niya’y another advocacy film titled Sa Isang Iglap ni Direk Neal ‘Buboy’ Tan.
“Sobrang thankful po na nagkasunod-sunpod ang proyekto ko at sana po ay magtuloy-tuloy pa. More blessings pa sana, more projects at malayo tayo sa mga sakit, laging healthy,” deklara pa ng alaga ng kaibigang Throy Catan.
TALBOG – Roldan Castro