Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Rodriguez wannabe beauty queen

Isang wannabe beauty queen ang gagampanang role ni Kapuso star Kim Rodriguez sa Karelasyon ngayong Sabado (July 23).

Matagal nang hinahangaan ng tindera sa palengke na si Liz (Kim) ang beauty queen ng kanilang lugar na si Joan (Arny Ross). Sa katunayan, si Liz ang maituturing na numero unong fan ng dalaga. Pero para sa bestfriend ni Liz na si Bavelle (Terry Gian), ang kanyang kaibigan ay may natatanging ganda at may karapatan din sumali sa mga beauty contest.

Sa tulong ni Bavelle, sisimulan ni Liz ang mga yapak para maging isang reyna, ngunit imbes matuwa ang kanyang idolong si Joan, ito ang pagmumulan ng inggitan ng dalawang dalaga. Bukod kasi sa paghanga, labis na gagayahin ni Joan ang estilo at itsura ng kanyang idolo, at maging ang boyfriend nitong si Dennis (Ken Alfonso) ay kanyang papangarapin maangkin. Tila isang obsesyon na nga ang nabuong pangarap ni Liz.

Magiging magkaribal sa korona sina Liz at Joan. Pero lingid sa kanilang kaalaman, ang labis na paghanga pala sa kanila ng misteryosong lalaking si Dondon (Kiko Mathos) ang dapat nilang bantayan at ingatan.

Ito ang nakaiintrigang kuwento mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Zig Dulay ngayong Sabado (July 23) sa Karelasyon kasama si Carla Abellana, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …