Wednesday , October 9 2024

Modelo sa pabahay ni Robredo (INC housing project)

071916_FRONT
PAG-AARALAN ng bagong “Housing Czar” na si Vice President Leni Robredo ang mga matagumpay na proyektong pabahay sa buong bansa upang gawing modelo ng mga isasagawang programang pabahay ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Isa umano sa mga proyektong ito, ayon sa bagong Chairperson ng HUDCC, ang resettlement sites na itinayo ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa maraming bahagi ng kapuluan.

Matapos mahirang ni President Rodrigo R. Duterte sa kanyang puwesto nitong nagdaang linggo, agad nakipagpulong si Robredo kay INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo at nagsabing iikutin ang  resettlement sites ng Iglesia gaya ng eco-farming at housing sites sa Leyte, Agusan del Sur at Oriental Mindoro upang personal na matanto kung maaaring isagawa ng kanyang ahensiya sa ibang bahagi ng bansa.

“Sabi ko nga gusto kong mabisita ‘yung isa. Baka puwedeng gawing inspirasyon,” ayon kay Robredo, kasabay ng paglalatag ng kanyang plano upang bawasan ang backlog ng ahensiya sa pabahay kasama ng iba pang mga usapin nang makipagpulong kay Manalo nitong 12 Hulyo sa central office ng INC sa Quezon City.

Planong ibsan ni Robredo ang kakulangang aabot sa  1.4 milyong yunit ng nasabing ahensiya at magdaragdag pa ng 5.5 milyon mga bahay na lubos na kinakailangan sa buong bansa.

Marami na ang housing at mga proyektong pangkabuhayan ng INC sa Filipinas. Karamihan sa mga housing resettlement sites ng INC sa Filipinas ay itinayo bilang bahagi ng inisyatibong Lingap sa Mamamayan na isang komprehensibong outreach program ng Iglesia.

Bukod sa resettlement sites sa Leyte, Agusan del Sur at Oriental Mindoro, nagtayo rin ng housing project at proyektong pangkabuhayan ang INC para sa mga katutubo sa Camarines Norte at South Cotabato.

Ngayong taon, pinasinayaan ang inisyatibong pabahay ng INC para sa mga tribong B’laan sa South Cotabato kasabay ng paglulunsad ng eco-farming at on-site livelihood project doon.

Isa pang katulad na proyekto ang naunang itinayo para sa mga pamilyang Kabihug sa Paracale, Camarines Norte. Nakapaloob sa nasabing proyektong pangpamayanan ang 300 housing units na nagsisilbi na ngayon bilang permanenteng tirahan ng mga pamilyang Kabihug at maraming pasilidad pangkabuhayan kagaya ng calamansi orchard na may lawak na 20 ektarya, isang eco-farm, at isang 300 metro-kuwadradong fish-drying plant.

Ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., ang inisyatibong Lingap sa Mamamayan ng INC ay isang “programang nakatakda sa buong taon na namamahagi ng tulong-materyal at lingap-espiritwal sa mga miyembro at hindi miyembro ng Iglesia sa maraming bahagi ng bansa.”

“Umaasa kaming lalawak nang husto ang inisyatibong ito sa pakikiisa ng aming mga kapatid sa iba’t ibang mga socio-civic organizations at mga grupong pangrelihiyon upang mas magkaroon tayo nang higit na malaking epekto sa pagpapababa ng kahirapan ng ating mga kababayan,” paliwanag ng opisyal ng INC.

“Ang housing component ng aming outreach ay kabilang sa mas malawak naming programang paglingap na nakapaloob din ang mga proyektong pangkabuhayan upang ang ating mga kapatid na nangangailangan ay hindi lamang magkakaroon ng matitirhan kundi mabigyan din ng paraan upang maglatag ng pagkain sa kanilang mga hapag.”

Dagdag ni Santos, ipinag-utos ni Brother Eduardo V. Manalo Manalo na lalo pang paigtingin ng Iglesia ang kanilang mga gawain at inisyatibong lingap sa mga mahihirap na komunidad sa buong bansa upang maging katuwang ang Iglesia sa panawagan ni Pangulong Duterte hinggil sa pakikipagtulungan na iangat ang kabuhayan ng ating mga kababayan.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *