NAGBABALIK ang pinaka-exciting na game show ng ABS-CBN, ang Minute To Win It, na Last Man Standing ngayong Lunes ( July 18) hanggang Biyernes hosted by Luis Manzano .
Sa grand presscon, nagkaroon ng chance ang movie press na makapaglaro at manalo ng cash prizes. Kakaiba ito sa mga game show na nagawa na ng magaling na TV host. Iba naman ang style ng pagho-host ni Luis sa The Voice.
“Okay lang maging makulit ako ng kaunti kasi ini-expect ‘yun sa akin ng audience. Pero kapag nag-start na kami ng semi-finals mas umaayos na ako kasi mas mahirap na ‘yun. Hindi na ako nagiging makulit. Ang mga bida ng show ay ‘yung mga bata at judges. May mga nagsasabing medyo okay kaya ipinapakita ko. It’s more serious, ayaw kong baguhin baka hindi mag-work, “ say ng magaling na TV host.
Sinabi ni Luis na idol niya ang kanyang Daddy Edu Manzano pagdating sa game show hosting. May sarili kasing style si Doods pagdating sa pagho-host.
“I’m a big fan of my Dad.”
Masuwerte si Luis dahil hindi siya nawawalan ng TV project sa Kapamilya Network. Pero kahit gaano ka-busy ang TV host/ actor may time rin naman siyang mag-relax at magpahinga.
“Naniniwala ako kailangang balance talaga, mahal ko ang pahinga. Lahat din kami, hindi kami parang teleserye hours. Ito kasi kahit may cut off it’s still a long day,” sambit niya.
Ang Minute To Win It ang pinakamahabang game show na ginawa ni Luis. Nagsimula siya sa Deal Or No Deal and then nag-game show din sila niBilly Crawford dati.
“Pero my first break sa hosting is ‘Deal Or No Deal’, so that I will treasure it in my heart. That time, kailangan kong mamili ‘Deal’ or ‘Family Feud’ kasi magkakatapat ‘yung timeslot. ABS makes me choose, magpa-‘Family Feud’ ba ako o ‘Deal Or No Deal’?
“Sabi ko, nag-start ako sa ‘Deal’ so roon ako. Hindi porke may bagong show na dumating doon ako, it’s not my style. Kahit ibigay ninyo sa ibang host, hindi ko puwedeng iwanan ang ‘Deal’ family ko,” paliwanag ni LM.
Pakiwari ni Luis, ‘yung pagiging makulit niya parang kay Vilma Santosniya namana at hindi kay Edu. ”Hindi ko alam… People say ‘yung kakulitan ko for example, it’s all my dad. ‘You would know, ‘yung malalapit sa mommy ko. Si mommy ay isa sa pinakamakulit na tao rin ‘yan. Nauunahan lang ‘yung kanyang image bilang mayor, bilang governor at showbiz personality.”
Malaking factor para kay Luis ang kanyang mga award na natanggap sa iba’t ibang awards giving bodies as TVhost /actor para lalong pagbutihin ang pagiging game show host. Everytime na bababa siya ng bahay nakikita niya ‘yung different awards na natanggap niya. Gusto pa rin ni Luis na dagdagan iyon.
If ever Luis has a minute to live, gagawin niya kung ano ang maisip niya, like mag- sky dive siya or scuba diving. Aside sa pagho-host pangarap pa rin nitong makagawa ng makabuluhang pelikula tulad ng ginawa ni Sean Penn sa I am Sam.
“Naka-dalawang ‘MMK’ na ako, naging Best Supporting actor sa ‘In My Life’. Selfless lang ako, okay lang sa akin hindi ako umaarte kasi kung umaarte ako, saan mo ilalagay sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz?
“Iniisip ko na ‘yung sarili ko, okay na ako hindi makaarte. Kaysa naman masama ang tingin sa akin nina Piolo and John Lloyd.
“Ayaw kong sabihin nila na magaling ako, kung saan ako sanay. Mas gugustuhin kong mag-ilang beses muna akong mag- Best Supporting bago ‘yung Best Actor dahil gusto kong matuto,” pahayag niya.
Inamin ni Luis na kinakabahan pa rin siya kapag nagho-host kaya ayaw niyang magpa-workshop for TV hosting. ”Alam kong marami pa akong dapat matutuhan sa pagho-host. Ang dami ko pang ginagawang mali. Kaya sinasabi ko nahihiya akong magpa-workshop so I get nervous every single time. I can go to the workshop, sabay-sabay tayong matuto. Happy ako pare-pareho tayong matututo. You will learn from me in the same way, I will learn from you.
“‘Yung magpa-workshop ako hindi, pareho-pareho lang tayo, may kanya-kanya lang tayong forte. That is why I don’t host beauty pageant, ang dami ng ini-offer sa akin ang Binibini…, Ms. Earth, ang dami iniiwasan ko na. Alam ko ang sarili ko, for example sa question and answer, baka magtuloy-tuloy ako. Magbato ako ng punch line ma-bash ako the next day ‘yung mga ganyan,” kuwento pa ng binata.
ANIK-ANIK – Eddie Littlefield