Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rocco, iniiyakan pa rin si Lovi

MAALIWALAS ang mukha ni Rocco Nacino nang makatsikahan namin. Pinipilit daw niyang mag-move on sa paghihiwalay nila ni Lovi Poe. Masakit para sa kanya ang nangyari at hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya tapos iyakan.

Hindi rin daw niya alam kung wala nang chance na magkabalikan sila dahil laging bukas naman daw ang pinto.

Matagal na raw na wala silang communication ni Lovi at nakatuon ang oras niya sa bagong seryeng ginagawa.

Wala raw kinalaman sa mga isyung naglabasan ang paghihiwalay nila ng aktres. Sure rin daw siya na walang third party involved. Personal daw ang reason.

Happy din daw siya na tinulungan siya ni Lovi at  nilinis ang name niya sa isyung paglustay  umano ng joint  account nila. Nandoon daw si Lovi sa side niya noong time na ‘yun dahil wala naman daw katotohanan at wala raw silang joint account.

“Kilala naman niya ako at kilala rin niya ang pamilya ko. Hindi naman ako pinalaki ng ganoon,” deklara niya.

Hindi naman daw niya kailangan ang pera ng ibang tao dahil kumikita rin naman daw siya.

Minsan daw ay nagkita sila at nagbatian naman. Parang hi and hello.

Wala naman daw siyang regrets sa naging relasyon nila ni Lovi at maraming good memories.

“Pinakamalalim ko ito pinaka-nagmahal ako,” sey pa niya.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …