Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Nanlaban’ ang mga napapatay na drug pushers

Dragon LadyMAYROON  bang nasugatan na pulis, kapag nanlaban ang isang sangkot sa droga na inaaresto?

Wala ‘di po ba?

Kung ganoon, mahuhusay ang ating mga pulis dahil mabibilis magpaputok ng kanilang mga baril. Nauunahan nila ang mga inaarestong sangkot sa ilegal na droga kapag ‘nang-agaw ng baril.’

Hindi kaya ‘drama’ lang ang lahat, dahil gusto na talagang patayin sila?

Alam naman natin na sila ay salot ng lipunan, kaya walang dahilan upang buhayin pa dahil maraming buhay ang winasak ng ilegal na droga at pinatay na ang kinabukasan ng nalulong dito.

***

Dalawang dekada na ang nakalilipas, kapag notorious ang inarestong suspek, ‘uso’ na ang dahilan ng mga pulis na nang-agaw ng baril ang suspek. Kaya ang sinasabing ‘nanlaban’ ang inaresto, lumang tugtugin na!

***

Ngunit may dahilan pa rin ang mga mamamayan para magtanong. Alam naman pala ng mga pulis ang bahay ng drug pushers, bakit noong hindi pa pangulo si President Rodrigo Duterte ay walang aksiyon?

Partikular ‘yung mga kinakatok sa kanilang bahay, alam  na alam pala ng mga pulis ang mga bahay ng mga adik at pusher, bakit noon ay hindi sila hinuli?

***

Dahil nga sa nabulgar ang pagkakasangkot ng limang heneral, hindi kaya takot ang umiral sa mga pulis na umaresto ng mga kilalang drug pushers dahil matataas na opisyal ng PNP ang protektor?

MEDIA PROTEKTOR DIN DAW NG DROGA

Hindi lamang mga mayor, bobernador, maging ilang mediamen umano ay protektor ng drug pushers at drug Lord.

Kung sinuman ang mediamen na tutukuyin ni Pangulong Duterte, isang magandang balita ‘yan!

Dahil anay ang mga iyan sa industriya ng pamamahayag!

Sana, kung gaano katapang ang pagbubulgar ni Pangulong Duterte sa limang heneral, ganoon din sa mga miyembro ng media!

Marami kasing media man na nagagamit ang kanilang media entity para proteksiyonan ang ilang ilegal na aktibidad.

Sa aking personal na buhay, apat na kaanak ko ang biktima ng ilegal na droga kaya ang inyong lingkod ay walang takot na bumabanat sa mga ‘nagnenegosy’ ng ilegal na droga.

Minsan nang nanganib ang aking buhay dahil sa pagbubulgar na may kaugnayan sa ilegal na droga, sana’y magpatuloy ang krusadang ito na malipol ang lahat ng sangkot dito!

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …