SALAMAT at bumalik na uli ang sigla ni Vhong Navarro sa kanyang trabaho, this after his traumatic experience sa mga kamay ng mga nagbugbog sa kanya led by Cedric Lee.
For months ay hindi pa rin kasi nilulubayan si Vhong ng takot kung kaya’t natagalan bago siya muli mag-report sa It’s Showtime.
Ngayon, masasabing nalampasan na ng TV host-comedian ang malagim na kabanatang ‘yon as he strikes back via a hopeful comedy entry to this year’s Metro Manila Film Festival.
Tiyak na pamilyar sa marami ang karakter ni Mang Kepweng, ang albularyo, na binigyang-buhay noon ni Chiquito. Yes, Vhong reprises the role of the quack doctor with Valeen Montegro bilang kanyang leading lady.
Sabi ng budding producer nito, wala siyang ibang komedyante in mind kundi si Vhong na malaki ang bentahe dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw. So, dance musical ang Mang Kepweng Strikes Back?
Nang i-offer nga ang film project na ito kay Vhong ay interesado siya agad. Hindi rin nahirapan ang prodyuser na kumbinsihin si Chito Rono, manager ni Vhong, to accept the project on his ward’s behalf.
Nang malaman kasi ni direk Chiton na ang magdidirehe ay si GB Sampedro, bulalas nito, “Ay, gustong gawin ‘yan ni Vhong, magkalaro ang mga ‘yan sa basketball!”
As for the producer behind the remake of Chiquito’s classic, siya’y walang iba kundi si dating Pandi Mayor Enrico Roque na hindi na iba sa showbiz circles.
Isa lang ang pagpoprodyus ng pelikula sa mga plano ni Mayor Enrico whose roots in Pandi ang gagawing isa sa mga shooting locations ng Vhong movie aside from the other municipalities in Bulacan.
Sa August na nakatakdang simulan ang shoot nito.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III