Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine, pinagbintanggang ‘di proud sa IYM

KOREK si Jasmine Curtis-Smith na tigil-tigilan na ng mga palaaway  na AlDub Nation ang kanegahan at pamba-bash. Patunayan na lang nila na kaya nilang suportahan ang pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza na Imagine You & Me sa July 13.

Patunayan nila na kaya nilang gumastos at hindi hanggang Twitter lang ang pag-iingay nila.

Tantanan na si Jasmine na nagtrabaho lang at pumayag na sumuporta sa movie ng AlDub. Kung hindi man niya inamin ‘agad ‘yan ay parte ‘yan ng teknik nng production kung kailan siya bibigyan ng go signal na sabihin. Hindi niya kailangang pangunahan o i-preempt ang production sa bagay na ‘yan lalo’t sinabihan siyang isikreto ito.

Mensahe ng young actress, ”To everyone commenting negatively or trying to just be a protective fan, let’s not bring negativity here. Masaya kaming cast at looking forward ibahagi sa inyo ang aming pelikula. ’Wag na tayo mag-away. Everyone is beautiful, regardless of what anyone says!!!”

Dugtong pa niya, ”PS. I deleted the nega comments na para tapos na dapat positivity lang ang buhay! Let’s set a great example!”

Inakusahan pa si Jasmine ng mga negang AlDub fans na hindi proud  umano si Jasmine sa Imagine You & Me dahil hindi siya agad nag-post ng naturang pelikula.

“Dahil lang sa hindi nag-post, ibig sabihin di na proud? My dear, hindi lahat kailangan ilantad sa social media. Lahat ‘yan may timing sa post at waiting for go-signal when it comes to work related postings. Broaden your mind before you start speaking. I don’t care for the bashing, sila lang naman nakakakuha ng satisfaction doon. I care more for the support for FILIPINO FILMS and growing artists like myself and AlDub,”  paliwanag niya.

Nagpasalamat din si Jasmine sa fans na malawak ang pang-unawa at nakaiintindi sa sitwasyon.

Sinabihan din siya ng mga matitinong AlDub nation na peke at nagpapanggap lang na AlDub fans ‘yung mahilig mag-bash at gustong sirain sina Alden at Maine. Hindi raw siya hate ng mga totoong AlDub fans.

Boom!

( ROLDAN CASTRO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …