Friday , November 15 2024

BuCor, hahawakan na naman ng retired military man

SA buwan ng September ay magte-take-over sa Bureau of Correction ang isang marine military general para pamunuan ang nabanggit na kagawaran.

Iyan ay sa katauhan ni major general Balutan. Papalitan niya sa puwesto si general Rainer Cruz, na isa rin retired military na may ilang buwan din naging BuCor director.

Nakilala si General Cruz sa pambansang piitan sa Muntinlupa na isang diciplinarian government officials dahil sa inilatag niyang “OPLAN GALUGAD.”

Sa panahon na siya ang Bu-Cor director, hindi matatawaran ang ipinakita niyang sipag at tapang. Ang mga kubol ng mga bigtime na preso sa bilibid ay ipina-raid niya kaya nakasamsam siya ng iba’t ibang uri ng mga kontrabando, shabu, mga bala, mga baril, mga patalim lalo sa mga controbersiyal sa loob ng maximum security compound ng NBP.

Si Cruz lamang ang naging director sa pambansang piitan na dala ang yagbols at walang kinatakutan.

Anyway, laging dominante ng mga retired military man ang pamumuno sa pambansang piitan. Iyan ay kung sino ang gustong i-appoint ng sinumang pangulo ng bansa.

Sa kasalukuyan ay inaabangan na ng mga preso sa bilibid ang pagdating ni major general Balutan.

He he he!!! Hindi kaya mapaikot ng mga matatalas na guwardiya at preso si Balutan???

MUNTI-MMDA CLEARED EYESORES IN ALABANG

Kamakalawa, pinamunuan ni Mayor Jaime Fresnedi ang paglilinis sa sidewalk vendors at sa iba pang obstacles sa paligid ng Alabang viaduct sa Muntinlupa City.

Naging katuwang sa clearing operations ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority at mga tauhan ng Munti-POSO.

Ang clearing operations ay isinagawa upang maging maluwag sa mga sasakyan at sa mga pedestrians ang Alabang viaduct.

Ayon kay Mayor Fresnedi, ang paglilinis sa mga kalsada sa Muntinlupa ay matagal nang kampanya ng local na pamahalan.

NO MORE VICE SQUADS?

BAWAL na ang magtatag ng vice squads groups sa anumang unit ng Philippine National Police.

Kailangan na raw buwagin ang vice squads. Iyan daw ang utos ni pangulong Rodirgo Duterte kay PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Tama si Pangulong Duterte. Ang vice squads o isang tanggapan ng pulisya ay nagagamit lamang sa kawalanghiyaan, pamimitsa, sa corruption at sa extortion activities.

Ang mga pulis na naka-assign sa vice squads ay walang ginagawa kundi manghuli ng mga vendor, nightclubs, mga karaoke bar at mga sugal lupa. Kaya yumayaman ang hepe rito at ang mga tauhan niya.

He he he!!!

Bukod kasi ang diskarteng bunggo at weekly INT.

MALAKAS DAW SA MPD STN-2

HINDI raw hinuhuli ng mga pulis sa MPD station 2 ang pa-color games na nasa Holy Child Catholic School sa Tondo, Maynila.

For your eyes only MPD-DD, Col. Jigs Coronel.

E-mail address: mario_lcl @ yahoo. com.

CRIMEBUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *