TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na makapagrehistro ng anim milyong bagong botante para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 31.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, nais nilang makapagrehistro ng dalawang milyong regular-aged voters at apat milyong kabataan para sa nalalapit na halalan.
Kaugnay nito, ngayon pa lang ay hinihikayat na ni Jimenez ang mga bagong botante na magparehistro at samantalahin ang 16-araw na registration period na isasagawa simula Biyernes, Hulyo 15, at magtatagal hanggang sa Hulyo 31, 2016. ( LEONARD BASILIO )