Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lala, pumalag kay Vice; Netizens, kinuwestiyon ang pagiging legit singer ni Vice

PUMALAG si Ms. Lala Aunor sa kanyang Facebook Account sa okray na comment ni Vice ganda sa We Love OPM.

“After the performance of Tres Kantos, pls observe kung ano ang naging topic nila. ‘Di pa rin nakuntento si Vice Ganda sa panglalait sa Team Power Chords, inopen pa ulit ang comment na sintonado at nakiayon naman ang ilang mentors like Erik (Santos) and  KZ (Tandingan) at sabay-sabay na ginawa nilang laughing stock ang group nila Marion (Aunor), Marlo (Mortel) and Kaye Cal. Tama po ba na magbiro ng ganito? Is it right na ‘di pa nakuntento manlait ng isang beses kaya sobrang sinisira nila ang singing career ng mga member ng grupo? Nag-umpisa Rin naman sila sa ibaba. Huwag masyadong malasing sa tagumpay. God doesn’t blink. Everyone has its own time @WeloveOPmM.”

Ito ang naunang post ni Ms. Lala, “So sad na nadala pa sa comment ni Vice Ganda ang audience sa sinabi n’yang may nagsintonado. Ganoon ba kagaling ang tenga n’ya sa music? Underdog masyado ang group nila  * #ýTeampowerchords . Ilang beses ko inulit- ulit ang video. For me, wala naman nagsintonado sa kanila since singers talaga silang tatlo. And Marion came from a family of singers and musicians. Huwag naman sana ganoon at ginawa pa silang laughing stock ng mga mentor during Tres Kantos na. This is below the belt na po. Sana huwag mangyari sa kanila ang ginawa nila sa tatlo. Bilog ang mundo, remember? We Love OPM.”

Sa mga comment ng netizens, kinu-question din si Vice kung bakit inihanay siya sa mga OPM Icon. Ano nga ba ang batayan, paano at bakit nga ba naging OPM icon si Vice? Paano ito inihelera kina Sharon Cuneta, Martin Nievera, Gary Valenciano, Rico Puno, at Hagibis?

Legit daw ba siyang singer?

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …