Sunday , December 22 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Mga pulis-Parañaque sa 3 barangay protektor ng droga

Dragon LadyMAY death threat ang isang kapitan ng barangay, maging mga kagawad at mga tanod nila dahil sa sunod-sunod na isinasagawang operasyon laban sa ilegal na droga.

Dahil sa mga isinasagawang operasyon ay nanganganib ngayon ang buhay ng mga opisyal ng barangay sa lungsod ng Parañaque.

Matapos mabulgar sa tatlong barangay, ang Sto. Niño, La Huerta at San Dionisio ay pawang mga pulis-Parañaque ang protektor ng drug Lord na isang alyas “Abdul,” nagpapakilalang isang muslim. Siya ang sinasabing responsable sa pagpapakalat ng droga sa nabanggit na tatlong barangay.

***

Buo ang loob ng kapitan ng barangay na makipagtulungan sa mga awtoridad upang malipol ang ilegal na droga sa lungsod ng Parañaque, ngunit wala siyang tiwala sa pulisya na sumasakop sa nabanggit na mga barangay.

Kaya hiling niya kay PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, palitan ang mga pulis sa Parañaque, at lagyan ng mga pulis na buo ang loob at hindi mangangalaga sa drug pushers.

SUSPEK SA PINATAY NA BABAE SA CAVITE LAYA PA

Sumakay sa kotse ng principal ng Tagaytay Science High School si Grace Garcia, 30 anyos, dalaga, residente sa Barangay 1, Amadeo Cavite, Admin Aid ng School Principal noong June 30.

Ngunit hindi na siya nakitang buhay nang sumunod na araw. Hulyo 1, ganap na 6:00 ng gabi, nakita na lamang ang walang buhay na si Grace sa Gateway, Gen. Trias, Cavite.

Sa pamamagitan ng CCTV camera nakita ang pagsakay ng biktima sa kotse ng prinispal na minamaneho ng driver nito. Hawak na at nasa custody na ng pulisya ang driver ng prinsipal. Ngunit ayaw magsalita hinggil sa krimen.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya. Dapat siguro pitpitin ang bayag ng drayber! May kinalaman ba ang sinasabing prinisipal na may-ari ng sasakyan?

Abangan…

2 PATAY DAHIL SA DROGA SA MALIBAY

Kauupo lamang ng bagong hepe ng Pasay City Police na si P/Senior Supt. Nolasco Bathan, heto at dalawa katao na ang napatay sa P. de Guzman St., Malibay, Pasay City. Nanlaban daw dahil armado ng calibre .38 baril at patalim ang mga napatay. Mukhang marami pang bubulagta sa Pasay. Uubusin ang mga drug pusher, magandang simulain ‘yan.

Dalawang buwan bago ang araw ng eleksiyon dumalaw si President Rodrigo Duterte at iniharap sa kanya ang ilang pamilya na biktima ng ilegal na droga ang ilang kaanak, kaya may inpormasyon si Pres. Duterte na ang lungsod ng Pasay ay isa sa pinamumugaran ng mga ilegal na droga.

ISUMBONG MO KAY LADY DRAGON – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *