Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Modernization Act legacy ni Director Virgilio Mendez

MADAMDAMIN ang naging turnover and change of leadership ng National Bureau of Investigation (NBI) na dinaluhan na matataas na opisyal at iba pa.

Binigyan ng parangal si outgoing NBI Director Mendez sa kanyang dedication at napakaraming accomplishment para sa bayan.

Maraming umiyak dahil siya ang tumutok sa modernization bill at nagpursige na maipasa iyon.

Salamat at napirmahan ni PNoy ang batas na makatutulong sa NBI.

Kitang-kita ang pagmamahal nila kay Director Mendez.

Pinapurihan ni Director Mendez ang kanyang mga tauhan dahil sa matinding suporta na binigay sa kanya sa mahigit dalawang taon na pamumuno niya.

One of the best NBI Director siya.

***

Welcome na welcome sa NBI rank & file employees ang bagong NBI director na si Atty. Dante Gierran.

Isa rin respetadong opisyal sa NBI dahil sa kanyang accomplishments sa bureau.

Personal choice siya ni Pangulong Duterte kaya masaya ang mga empleyado dahil from their ranks ang napili ng ating Pangulo.

Congrats Director Gieran! God bless po.

***

Dapat paimbestigahan ni Customs Commissioner Nick Faeldon ang isang alias KIKO-LOYD na isang IG contractual pero may sariling brokerage. Messenger lang pero nagkamal ng daang milyon sa pamamagitan ng alert at maraming tinakot na brokers.

May tatlong auto supplies at mga ari-arian sa Tagaytay at mga condominium. Dapat kasuhan at isalang sa lifestyle check.

Naglalakad  pa raw ngayon para manatili sa customs.

Matatapos na rin ang paghari-harian at kayabangan mo!

***

Dapat isalang sa lifestyle check ang mga dating nasa BOC-OCOM. Mga taga-RCMG na abogada. Si alias FLOWER at AL-AL diyan sa AMO.

Sila ang mga tirador sa customs na dapat sampolan ni Pangulong Duterte.

***

Maraming natuwa nang magpaalam na ang pinakabolerong commissioner ng customs na si Bert Lina.

Akala siguro n’ya forever ang power n’ya.

Nagkamali ka riyan Mr. Lina!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …