Sunday , December 22 2024

Bagong Pasay City Police Chief ayaw ng publicity

Dragon LadyPINALITAN na si S/Supt. Joel Doria ni S/Supt. Noli Bathan.

Lahat ng mediamen ay nabigla dahil noong Sabado ng umaga isinagawa ang turn-over. Sabi ng bagong hepe, pansamantala lang daw siya, dahil dati siyang naging provincial director sa Visaya.

Demotions na matatawag ang kanyang pagkakaluklok, pinagbigyan lang umano niya ang bagong PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” dela Rosa, sa pakiusap ng opisyal na hawakan ang Pasay Police.

***

Hindi daw mahilig sa publicity ng bagong hepe ng Pasay.

Sir! dalawa po ang publicity bad or good! Kaya kung ayaw ninyo ng good publicity, sa bad publicity na lang kayo!

Mga kapatid sa industriya, partikular sa police beat sa Pasay, ano pa hinihintay ninyo?

SI ERAP PINAHIRAPAN ANG MGA DRAYBER

Nitong nakaraang Sabado, isinara ang kalye mula sa Sta. Cruz, Manila hanggang Divisoria. Grabe ang trapik dahil meron daw shooting na ‘di na batid kung sinong mga artista at anong klaseng shooting na pelikula.

Grabe ang prehuwisyong dulot ng nasabing shooting. Nagmumura na ang jeepney drivers. Maging ang private cars ay napasiksik sa rutang pa-Quiapo, dahil dito buhol-buhol ang trapiko. ‘Yung mga galing sa Monumento ay kung saaan-saan nagpasikot-sikot. Ang biyaheng Sta. Cruz – Avenida ay naging biyahe patungong Quiapo.

Pasensiya na po, dating artista ang Meyor ng Maynila, kaya natural, binigyan ng permit ang nasabing shooting!

STATE OF CITY ADDRESS NI OLIVAREZ

Naging matagumpay ang pag-uulat sa kalagayan ng lungsod ng Parañaque ni 2nd term Mayor Edwin DL Olivarez nitong Biyernes. Dumalo ang elected councilors ng lungsod. Naroon din sina Cong. Gus Tambunting (District 2) at Cong. Eric Olivarez (District I) at Vice Mayor Rico Golez, Dept. Heads at Barangay Captains.

***

Apat na Bilyong piso pala ang iniwang pagkakautang ng dating administrasyon, sa Meralco, Maynilad, at sa mga contractors at suppliers, ayon kay Meyor, mabuti na lamang at pumayag ang Land Bank of the Philippines na magkaroon ng moratorium sa loob ng tatlong taon ay interes muna ang babayaran ng lokal na pamahalaan, ngayon, bayad na ang administrasyong Olivarez sa pagkakautang ng dating administrasyon, kaya patuloy na ang serbisyo at mga proyekto sa lungsod, masayang ibinalita ni Meyor!

***

Isa na yata ang lungsod ng Parañaque sa panahon ng administrasyong Olivarez, na nakapagpagawa ng maraming eskuwelahan, elementarya at sekondarya, bawat barangay ay lalagyan ng eskuwelahan upang patuloy pa rin ang pagpasok ng investors sa lungsod. Isang  unibersidad ang nais ng Alkalde na maipatayo upang higit na tumaas ang antas ng edukasyon sa lungsod ng Parañaque. Sa kasalukuyan, maituturing ang lungsod na isa sa pinakamaunlad na siyudad sa kalakhang Maynila.

ISUMBONG MO KAY DRAGONLADY – Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *