Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Melai, nanganganib ang buhay

NANGANGANIB ang buhay ni Melai Cantiveros (Maricel) sa nalalabing huling tatlong linggo ng We Will Survive.

Mas titindi ang mga pagsubok na haharapin nina Pocholo (Carlo Aquino) at Wilma (Pokwang) ngayong hindi pa rin nagigising si Maricel matapos itong maaksidente sa Kapamilya afternoon series We Will Survive.

Bagamat hindi nagpapakita ng senyales ng buhay si Maricel, hindi pa rin mawawalan ng pag-asa ang kanyang nobyong si Pocholo  na gumaling at manumbalik ang kanyang dating lakas. Lubos ding apektado ang kanilang anak na si Jude (JoshDe Guzman) ngunit tutulungan nila ang isa’t isa upang magkaroon ng lakas na harapin ang pagsubok na kanilang pinagdaraanan.

Magkaroon pa kaya ng katuparan ang mga pangarap ni Pocholo para sa kanyang pamilya? Kailan nga ba magigising si Maricel?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing  5:00 p.m. sa ABS-CBN  2.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …