Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy, ‘di itinagong may pag-asa sa kanya si Luis

MAGAAN ang buhay ngayon ng Banana Sundae star na si Jessy Mendiola dahil wagi siya bilang no. 1 Sexiest Women in the Philippines  ng isang men’s magazine.

Bukod dito, nali-link din siya kay Luis Manzano na posibleng nagbibigay kulay ngayon sa kanyang lovelife.

Hindi naman itinatanggi ni Jessy o itinatago na lumalabas sila ni Luis. Wala naman daw masama dahil pareho silang single. Hindi rin niya masasabing date dahil minsan ay grupo sila ‘pag lumalabas. Ayaw niyang lagyan ng label.

“Halata naman na hindi kami nagtatago kasi may mga picture naman na yes we go out, but yeah Luis and I, we go a very long way pa,”  pahayag ni Jessy sa isang panayam.

Hindi naman niya sinasabi na walang pag-asa si Luis sa kanya   ‘pag niligawan siya pero focus muna siya sa career niya dahil maraming oportunidad na dumarating.

”Ay oo naman. I am not denying anything. Ayoko namang maging sobrang pretentious na wala kasi I have as said Luis is a nice guy and any girl would be lucky to have him,” deklara  pa ni Jessy.

Tuwing Sunday, humuhugot si Jessy sa Banana Sundae pagkatapos ng ASAP 20 kasama sina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Pokwang, Pooh, JC De Vera , Ryan Bang, Badjie Mortiz, Jobert Austria, Aiko Climaco, at  Sunshine Garcia. Ito ay sa direksiyon nina Bobot Mortiz at Frasco Mortiz.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …