Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, ‘di naaapektuhan sa mga naninira kay Nadine

SA isang interview kay James Reid, tinanong siya kung anong nararamdaman niya kapag naba-bash ang girfriend at ka-loveteam niyang si Nadine Lustre. Ang sagot ng binata ay, “It happens to all celebrities. There’s nothing we can do about it.”

Nang matanong ulit siya kung nasasaktan o naapektuhan ba siya sa mga pangba-bash kay Nadine, ang sagot niya ay ‘no’.

Na nang makarating ang naging sagot na ‘yun ni James sa fans nila ni Nadine ay nag-react ang mga ito. Hindi sila makapaniwala na ‘yun ang sasabihin ni James na hindi siya apektado. ‘Yung iba naman ay hindi naniniwala na ‘yun ang sinabi ni James. Na parang pinalalabas nila na imbento lang ‘yun  ng nagsulat.

Well, kung ‘yun man ang nasulat, naniniwala kami na ‘yun nga ang isinagot ni James. Pero ang gusto niya lang sigurong iparating sa bashers ni Nadine o maging sa bashers niya na dapat ay deadma lang sila, na kahit anong paninira pa ang matanggap nila sa kanilang bashers ay hindi na nila dapat patulan o bigyan ng pansin.

At least si James, gaya ni Jed ay hindi rin nagpapaapekto at pinapatulan ang bashers nila ni Nadine, ‘di ba?

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …