Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pulubi na naglipana

MULI na naman nagsulputan ang mga pulubing namamalimos sa mga pangunahing lansangan.

Sa Kalakhang Maynila, ano na ang ginagawa ng DSWD at parang mga inutil sa problemang ito! Sadya yatang ‘di na magagawan ng paraan na napakatagal nang problema.

Kapag napupuna ng media, kunwari ay paghuhulihin, ilang araw lang muling nagbabalikan para mamalimos ang mga hinuling pulubi.

***

Isa ito sa problemang dapat lutasin ng bagong administrasyon, ang administrasyong Duterte. Dahil ilang Pangulo na ang naupo hindi na nagkaroon ng solusyon!

Mabangong-mabango si Duterte. Kapansin-pansin ang lakas ng karisma ni President Rodrigo Duterte sa sambayanan, ngunit may pagbabanta ang mga salitang naririnig namin mula sa taongbayan, babantayan nila ang administrasyong Duterte kung may pagbabago o wala.

Pagod na ang mga Filipino sa mga nagdaang administrasyon, kaya umaasa sila sa pamamagitan ni Pangulong Duterte ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa bansang Filipinas partikular sa isyung korupsiyon!

Mansion sa Pasay inirereklamo

Inirereklamo ng Miss Universe Club sa lungsod ng Pasay ang Harrison Mansion House dahil ginagawang basurahan ang bubungan ng kanilang establisyemento.

Walang patumanggang ibinabato ang mga basura sa bubungan mula sa bintana ng mga tenants ng nasabing Mansion House, mga lata ng softdrinks in can, mga balat ng kinaing junk foods at kung ano-ano pa ang itinatapon ng tenants sa kanilang bintana na bumabagsak sa bubungan ng Miss Universe Club, kung minsan ay basyo ng bote ng serbesa.

Dapat siguro na maging mahigpit ang management ng nabanggit na Mansion House, dahil sa kawalan ng disiplina ng kanilang tenants. Ginawang basurahan ang bubong ng may bubong!

Mga tarpaulin ng greetings kay Duterte sa Pasay pinagtatanggal

Sa bisperas ng oathtaking ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Hall, Malacañan, makikita na nakasabit ang malalaking tarpaulin na nakasulat ang pagbati kay President Duterte, sa Roxas Blvd., para makita ng bagong Pangulo pagdaan mula sa Airport, ngunit bago sumikat ang araw kahapon, Huwebes, araw ng oathtaking ng Pangulo, pinagtatanggal ang mga nakasabit na tarpaulin.

Sagot ng Engineering Department ng Pasay City, sobra umano ang laki ng tarpaulin na isinabit sa footbridge at wala umanong koordinasyon sa kanilang departamento ang nagsabit ng tarpaulin.

May balita na pawang nasa partidong PDP-Laban ang nasa likod ng mga isinabit na tarpaulin. Kilala ang Pasay na Liberal Party ang partidong dinala.

Ngunit nakita ko na may welcome greetings si Mayor Tony Calixto kay Pangulong Duterte kahit pa partidong Liberal si Meyor.

Sabi ni meyor, kahit sino ang maupo mula sa ibang partido, dapat lamang na bigyan ng magandang salubong ang bagong Pangulo kahit man lamang sa tarpaulin ay maipahatid ng  pagbati ng mga taga-Pasay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …