Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Yap, magbibida sa Mano Po 7 (Wala sa family business dahil sa pagsuway sa Chinese tradition)

MUKHANG mauudlot na ang pagsasama nina Judy Ann Santos at Richard Yap dahil feeling ng aktres, nabantilawan na ang proyekto nila.

Supposed to be ay may gagawin silang serye entitled Someone to Watch Over Me pero biglang nabuntis si Juday.

Bagamat sinasabi nila tuloy pa rin ang naturang serye, feeling ni Juday baka hilaw ang kalabasan ‘pag ipinilit.

Naniniwala si Judy Ann na unfair kay Richard na hinihintay siya. Deserving daw si Ser Chef na magkaroon ng magandang teleserye na magsaswak sa pagiging actor nito.

Pero sabi ni Richard nang makatsikahan namin siya sa contract signing niya sa Regal Films. willing naman siyang maghintay kay Juday.

Nakakasa na kasi ang project na ‘yun at saka, may mga ginagawa rin naman siya habang hinihintay na puwede na si Judy Ann.

Hindi naman ‘yung waiting siya na nganga.

Tulad na lang itong pelikulang Mano Po sa Regal Entertainment Inc. na gagawin niya. Sa kanya nakasentro ang buong istorya.

Posibleng isali ito sa Metro Manila Film Festival.

Nag-share rin si Richard ng kuwento sa Mano Po bilang Chinoy.

Hindi pa kompleto ang buong cast at okey lang sa kanya kung sino ang ibigay na kapareha. Basta swak daw sa role at mukhang Chinay.

Nabanggit ang pangalan ni Jean Garcia na magaling at bagay sa role.

“Crush ko siya noong kabataan ko,” pag-amin niya sabay tawa.

Sa contract signing kahapon sa Regal Films kasama sina Mother Lily at anak na si Roselle Monteverde at ang manager ni Ser Chef na si Kate Valenzuela, sinabi ni Yap na excited na siya sa project niya na Mano Po 7. May mga eksena kasi na kukunan sa Mainland China at mag-uumpisa ang shooting next week para maihabol sa MMFF 2016 deadline.

WALA SA FAMILY BUSINESS DAHIL SA PAGSUWAY SA CHINESE TRADITION

Bilang Chinoy may rebelasyon siya na pinagdaanan dahil sumuway siya sa tatay niya dahil sa Chinese tradition.

Nagalit daw sa kanya ang kanyang ama dahil hindi kapwa Chinese ang pinakasalan niya. HIndi raw siya isinali sa Family Business nila hanggang ngayon. Hindi rin siya naging paboritong anak.

Pero wala siyang pinagsisihan dahil ang babaeng ipinaglaban niya ay  ang nakasama niya habambuhay. Pinili niya talaga ang gusto niya.

Bago raw yumao ang father niya ay naging okey na ang relasyon nila mula nang magkaroon siya ng anak na lalaki. Siya lang daw kasi ang may anak na lalaki sa kanilang magkakapatid.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …