KORONADAL CITY – Hindi na ikinagulat ni incoming DILG Secretary Mike Sueno ang dami ng drug surenderees sa Region 12 dahil nasa ikatlong puwesto aniya ang rehiyon pagdating sa dami ng mga personalidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sunod aniya ito sa Region IV-A na ang number one naman ay Metro Manila.
Ayon kay Sueno, mayroon malalaking shabu laboratory sa Mindanao na pag-aari ng bigtime drug lords.
Ito aniya ang uunahin ng Duterte administration.
Layon nitong maibsan ang krimen at mapalakas pa ang kampanya laban sa korupsiyon lalo sa mga opisyal ng gobyerno na sinasabing ang ilan ay protektor ng illegal drugs.