Monday , December 23 2024

Parish priest ng Loboc nagbigti

CEBU CITY – Nagdadalamhati ang parishioners ng St. Peter the Apostle Parish Church ng Loboc, Bohol makaraan magpatiwakal ang kanilang parish priest na si Rev. Fr. Marcelino Biliran, 56, gamit ang electrical wire extension.

Ayon kay SPO1 Glenn Alvin Gam ng Loboc Police Station, malapit sa tao si Father Mar.

Tahimik daw at masigasig sa kanyang panunungkulan sa simbahan.

Kuwento ni Gam, makaraan operahan sa kanyang colon si Father Mar ay palagi na lamang siyang malungkot.

Una rito, pasado 5:00 pm kamakalawa huling nakita ang parish priest sa kanyang kombento ngunit kinagabihan ay natagpuang nakasabit ang kanyang katawan sa shower curtain rod.

Ang labi ni Biliran ay dadalhin sa St. Joseph the Worker Cathedral sa Tagbilaran City, Bohol.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *