Mga bigtime drug pusher sa Bilibid takot?
Amor Virata
June 29, 2016
Opinion
AMINADO ang mga mga bigtime drug pusher na ngayon ay nasa BIlibid Prison, na baka ipapatay umano ni President Digong Duterte.
May daga pala ang mga bigtime drug pusher sa dibdib gayong ilang buhay ang kanilang pinatay na nabulid sa ipinagbabawal na droga.
***
Sabi nga, ang mga bigtime drug lord ay nabuhay nang mariwasa, lahat ay nabibili, maganda ang tirahan, may resthouse, chopper, yate, magagarang sasakyan…
Talagang napakasakit kung papatayin sila dahil ang lahat ng kariwasaan nila sa buhay ay hindi nila madadala sa kamatayan!
Overspending case ng Noveleta, Cavite Mayor
Pinagtatawanan lamang ni Noveleta, Cavite elected Mayor Dino Chua ang kasong isinampa laban sa kanya ng isang may apelyidong “Sta. Maria” na overspending noong nakalipas na eleksiyon.
May mga kasamang larawan ang reklamo, pero halatadong peke ang lahat. Dahil sa retrato ay naroroon ang entablado na ginamit noong araw ng pista ng Noveleta. Walang nakitang retrato ni Mayor Chua, ang tanging nakita ay grupo ng Mocha Girls, na suot ang t-shirt ni President Rodrigo Duterte.
Nakatatawa ‘di ba? Samantala hindi naman kapartido noong eleksiyon si Mayor Chua!
Palibhasa talunan ang isang Atty. Sta. Maria, heto na ang buwelta kay Mayor Chua.
Kapani-paniwala ba?
Todo ngalngal nang matalo (Talunang meyor sa Amadeo, Cavite)
Atungal at hindi iyak ang nasaksihan ng marami nang matalo sa nakalipas na eleksiyon ang dating Meyor na si Benjo Villanueva.
Ang nakatatawa, imbes maawa ang mga nakakita sa pag-atungal ng dating Alkalde, pinagtatawanan pa siya.
Kaya daw ganoon na lamang ang pagdaramdam ng ex-mayor dahil napakaraming pribadong proyekto ang nawala sa kanya.
Gaya ng Paseo Amadeo, na pag-aari ng isang pribadong negosyante, na hindi na natuloy. Pero duda ng lahat, si ex-meyor ang may-ari nito.
‘Yan ang napapala ng mga suwapang sa kapangyarihan!
Rating ng Parañaque tumataas
Tumataas ang rating ng lungsod ng Parañaque kung ang pag-uusapan ay economic portfolio. Maging sa kalinisan, peace and order at edukasyon at higit sa lahat ay sa konteksto ng good governace ay isa na ang lungsod sa masasabing “da best.’’
Ito ay dahil na rin sa pagpupursige ni Mayor Edwin DL Olivarez, ang tuluyang pagbabago ng lungsod.
Aim high ang vision ni Olivarez…
Huwag magtaka kung dumating ang araw na ang lungsod ng Parañaque ay tumanggap ng iba’t ibang recognition o pagkilala sa husay ng administrasyong Olivarez!