Friday , November 15 2024

Naglipanang e-bike sa kalye delikado

PAANO pinayagan ng gobyerno na ang mga negosyante o distributor ng e-Bike e nakaaabala sa kalye. Kung ‘yung mga motorsiklo ay istorbo na at maraming nadidisgrasya, delikado lalo ang es-Bike.

***

Dapat ay pang-subdibisyon lang o pang-village ang mga e-Bike, dahil lubhang delikado ito. Kung makikita ninyo sa kahabaan ng Macapagal Blvd., sa dulo ng Gil Puyat Ave., partikular sa dajong hapon, itinaon pa namang rush hour, nagkalat ang  e-Bikes, walang pakialam ang mga drayber sa sakuna o aksidenteng puwede nilang kaharapin.

***

Nakapagtataka, no license needed, no LTO registration, at no gasoline rin ang e-Bike dahil rechargeable ang baterya nito. Susmaryosep e delikado nga kung papayagan na gumala ang e-Bikes sa mga pangunahing lansangan!

Abu Sayyaf dapat nang lipolin

Heto na naman ang grupo ng Abu Sayyaf, pitong Indonesian ang muling binihag sa Sulu Sea, bagama’t hindi pa kompirado na sila ang may gawa. Sino pa ang gagawa? Posibleng sila pa rin ang nasa likod nang pagdukot.

Nauunawaan natin ang damdamin ng mga bansang Indonesia at Malaysia. Alam natin na katatapos lamang ng kasunduan ng dalawang bansa sa Filipinas, na magtulungan sa pagbabantay sa karagatan.

***

Hawak nila ang Norwegian na si Kjatan Sekkingstad, habang ginagawa ang lahat na mapalaya ito, pitong Indonesian naman ang kanilang binihag. Hindi na dapat bigyan ng amnestiya ang grupong ito dahil sa dami ng krimen na kanilang ginagawa sa ating bansa.

Sapat ay durugin nang husto ang grupo dahil mukhang walang balak tumigil!

***

Maanghang na ang mga salitang binitawan ng bansang Indonesia. Ang Indonesia ang pangunahing supplier ng carbon sa Mindanao, kaya kung matitigil ito, apektado ang buong rehiyon, partikular sa sektor ng enerhiya. Sapat na dahilan ‘yan para durugin na ang mga Abu Sayyaf!

Maghanda ang lahat sa malakas na lindol

Walang makapipigil sa paggalaw ng West Valley Fault, ito ay ayon sa Philvocs. Ang pinakamahalagang magagawa ng mamamayan ay maghanda. Kailangan magsanay kung paano makaliligtas sa pagdating ng “BIG ONE!”

***

Sa unang pagtama nito, aabot umano sa 35,000 katao ang puwedeng mamatay, ‘di natin alam kung ikaw o ako ay isa sa kasamang mamamatay, kaya ibayong paghahanda ang dapat gawin! Aabot sa 7.2 magnitude ang lakas ng lindol, hindi tayo bubuhayin!

Trilyong halaga ng ari-arian ang sisirain, kapag nangyari ito, sobrang paghihirap ang daranasin ng ating bansa!

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *