Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC, ‘di na naniniwala sa mga award

HAPPY kami para kay John Lloyd Cruz na Best Actor sa Gawad Urian. Pero medyo  kontrobersiyal ang unang statement  niya sa  acceptance speech na hindi siya naniniwala sa awards. Ito ba ang dahilan kaya hindi na siya sumisipot sa ibang awards giving bodies ‘pag nananalo siya?

Dumating lang siya sa Urian dahil sinabi niya noong mainterbyu namin siya saHome Sweetie Home na gusto niyang manalo para sa kanyang ina? Ibang klase kasi ang reaksiyon na ipinakita ng ina ni JLC noong mapanood  niya ang pelikulang Honor Thy Father.

Bawi naman ni John Lloyd sa kangyang acceptance speech, ”Pero naniniwala po ako that there is ho­nor in hard work, patience, perseverance, and timing. In case you find my first sentence puzz­ling, I also came here tonight as an actor to give honor and celebrate my pure love for cinema. Mabuhay po kayong lahat.”

Hindi ipinagdamot ng Urian ang kagustuhan niyang manalo dahil deserving naman siya. Magandang regalo na rin ito sa kaarawan ng actor noong June 24.

Abala ngayon si JLC sa paggawa ng pelikulang Ang Babaeng Humayo kasama ang dating Presidente ng ABS-CBN 2 na si Ms. Charo Santos. Umiral daw ang pagiging artista ni Charo at hindi nakita ni Lloydie ang pagiging Ma’am Charo nito. Itinuturing niyang isang magandang karanasan na nakatrabaho niya ang isang Charo Santos.

Bukod sa movie, tuloy-tuloy pa rin ang sitcom ni JLC na Home Sweetie Homewith Toni Gonzaga.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …