Sunday , December 22 2024

5 sugatan sa natumbang kotse sa Benguet

BAGUIO CITY – Isinugod sa pagamutan ang lima- kataong nasugatan makaraan matumba ang sinasakyan nilang kotse na may plakang XFG 458, sa Km. 12, Guyad, Tadiangan, Tuba, Benguet kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Cyrus Ulalan Secillano, 38, driver ng kotse at residente ng Bakakeng, Baguio City; Marichu Banyaga Secillano; Andrei Agana Namoro; Jean Claire Sagun Bugnay; at Jennielyn Dizon Ellamil.

Ayon sa driver ng kotse, pababa sila sa Asin Hotspring nang mawalan ng preno ang sasakyan kaya’t napilitan siyang ibangga ang kotse sa riprap na nagresulta sa pagkatumba nito.

Agad nagresponde ang Tuba Emergency Medical Services at dinala sa ospital ang mga sugatan.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *