Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miho, nakakuha ng 1-M views sa Trumpets challenge

NAG-GUEST kamakailan sa ASAP Chill Out si Miho Nishida, ang itinanghal na Big Winner sa Pinoy Big Brother 737, na nagsayaw siya  ng Trumpets challenge. Naging back-up dancers niya ang all male group na Good Vibes.

Noong i-post sa You Tube ang guesting na ‘yun ni Miho ay nakakuha ito ng mahigit isang milyong views na labis na ikinatuwa ng dalaga.

“Bongga ‘yun ‘di ba na naka-mahigit one million views kami? At iba pa rin siyempre ‘yung may kasama kang back up dancers habang gumigiling-giling ka para mas lalong bongga,” sabi ni Miho nang makausap namin siya.

Hilig talaga ni Miho ang sumayaw kaya naman natuwa siya nang napabilang siya sa all-female group na Girl Trends na regular mainstays sa It’s Showtime.

“Nahahasa rin ako sa Girl Trends. ‘Di ba bongga rin ‘yun? At nagiging sexy na ako dahil sa laging pagsasayaw,” natatawang sabi pa ni Miho.

Kung ‘yung ibang grupo ay hindi nagkakasundo, na nagkakaroon ng inggitan sa bawat member, masasabi ni Miho na sa grupo nila ay walang ganoon, maganda ang kanilang samahan.

Sabi pa ni Mijo tungkol sa kanilang grupo,”Nagtutulungan kami sa lahat ng bagay. Naghihiraman kami ng damit, ganoon. Parang magkakapatid na kaming lahat.”

Si Tommy Guevarra ang boyfriend ni Miho na gaya niya ay produkto rin ng PBB 737. Kamusta na ang relasyon nila ni Tommy?

“Sweet pa rin naman kami. Super happy, enjoy-enjoy lang, ganoon pa rin, kulitan,” sagot ni Miho.

Sa ngayon daw ay almost five months nang tumatakbo ang relasyon nila ni Tommy. At maipagmamalaki raw niya itong boyfriend dahil, ”Hindi siya nagbago eversince. Tinatanong ng iba, si Tom sweet lang ba siya sa harap ng kamera? Sabi ko, hindi totoo ‘yan. Kahit wala kami sa harap ng kamera, sweet pa rin siya sa akin.”

Ano ang isang bagay na magagawa ni Tommy sa kanya para makipaghiwalay siya rito?

“Siguro kapag nalaman kong nag-cheat siya, ayoko na. Siyempre gusto ko, ako lang.”

Selosa ba siyang girlfriend?

“Oo naman. Pero siyempre nasa lugar naman. Siya rin naman seloso.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …