Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janice, nabigla sa lovescene

SA latest movie ni Janice de Belen ay isang tomboy ang kanyang role. At may kissing at love scene siya rito sa kapareha niyang si Liza Dino.

Para kay Janice, lakas lang daw ng loob ang ipinairal niya para magawa  ang nasabing eksena with Liza.

“Kasi, pinakamahirap ‘yung lakas ng loob by the way ha, it’s not even ‘yung shot, it’s not even ‘yung kukunan ka, hindi ah, lakas ng loob ang pinaka-kailangan ko sa lahat,” sabi ni Janice sa isang interview sa kanya.

Hindi raw inaasahan ni Janice na may ganoong eksena sila ng misis ni Aiza Seguerra. Ang nangyari raw kasi, nang binasa niya ang script, hindi niya nabasa o napansin ang naturang eksena sa kanila ni Liza.

Nasa story conference na raw siya nang malaman niya at naka-kompromiso na siya.

“Noong binasa ko ang script, nasa taping ako, eh. So binasa ko siya, sa email lang. Hindi ko nabasa kasi, naka-encapsulate siya sa isang sequence na hindi ako kasama. Na hindi talaga, wala akong dialogue, eh. Kaya hindi ko siya nabasa. Noong nag-i-script reading kami, bakit parang hindi ko alam ‘to? Eh, nandoon na kami, hayun na,” natatawa niyang sabi.

Well, hindi ito ang first time na gumanap na tomboy si Janice pero ito ang first time na nagkaroon siya ng lovescene sa kapwa niya babae sa pelikula.

( ROMMEL PLACENTE )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …