Ms. Gina Lopez is the right choice for DENR Secretary
hataw tabloid
June 23, 2016
Bulabugin
ISA tayo sa mga natuwa nang italaga ni Incoming President Digong Duterte si Ms. Gina Lopez ng ABS-CBN bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
She is the right person and the right choice!
Noong ang inyong lingkod po ay nanungkulang Presidente ng National Press Club (NPC), naging guest natin si Ms. Lopez sa ating weekly news forum noon na “No Holds Barred.”
Dekada 70 pa nang makilala natin si Ms. Lopez. Alam naman natin kung ano ang dinanas ng kanilang pamilya nang mga panahong iyon kaya’t hindi rin nagtagal ang aming acquaintance.
Muling nagtagpo ang aming landas nang ang inyong lingkod ay Pre-sidente na ng NPC nang hilingin niya sa atin na maging resource person sa isang forum tungkol sa mining industry sa bansa.
Noon pa man ay nanindigan na si Madam Gina na dapat kontrolin na ng pamahalaan ang kalat-kalat na mining operations sa bansa lalo sa Mindanao.
Ayon kay Ms. Lopez, “Mining has a pathetic track record. Pathetic. Wherever there’s mining, the people are poor. So why are we doing it? It’s crazy.”
Nagpakita rin siya ng mga video sa mga bundok na nasira sa pagmi-mina.
Sinabi niya ito sa isang interbyu, matapos tanggapin ang alok ni Incoming President Duterte.
Higit pa nga raw sa mamamatay-tao ang mga minahan sa bansa.
“For me, large scale, small scale, it’s just, when you destroy the environment and you cause suffering to our rivers and streams, our agricultural land, our fishery resource, you kill everything. Is it worth it?”
Nagtataka naman tayo kung bakit si Mr. Manny Pangilinan ang unang pumiyok nang italaga ni Presidente Digong si Ms. Lopez sa DENR?!
Sabihin ba naman, “The elephant in the room is Gina Lopez, I apologize for the comparison but let me say this, it’s entirely the prerogative of the president and we respect that,” ani Pangilinan.
Kunsabagay, matagal na nating nababalitaan na may ‘tensiyon’ talaga sa bahagi ni Madam Gina at Mr. Pangilinan, dahil sa kanilang magkakontrang adbokasiya.
Pero maging si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ay nasiyahan at natutuwa sa pagtatalaga ni Presidente Digong kay Ms. Lopez.
Well, alam nating magiging mabigat ang laban ni Ms. Lopez kontra malalaking mining companies or operations, illegal man ‘yan o legal.
Lalo na ang talamak na black sand mining.
Pero sa palagay natin, isang seryosong kagaya niya ang angkop sa pagtatalaga ni Presidente Digong.
Suportahan po natin ang DENR ngayon, sa ilalim ng isang matapang, determinado, may pagmamahal sa kapaligiran at humanidad na gaya ni Ms. Gina Lopez.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com