Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dayuhan timbog sa ecstacy

NAARESTO ang dalawang foreign national sa Makati City kasunod ng drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, bumili ang police asset ng 120 tablets ng blue cookie monster esctacy mula sa Canadian na si Jeremy Eaton.

Pagkaraan, bumili rin ang police asset ng karagdagang 50 tablets mula sa Australian na si Damian John Berg.

Narekober mula kina Eaton at Berg ang 170 ecstasy tablets na may street value na P255,000, at P100,000 boodle money.

Ayon sa pulisya, ang dalawang suspek ay konektado sa mga drug pusher na naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa Close-Up Forever Summer Concert incident.

Dagdag ng pulisya, ang dalawang suspek ay bahagi ng malaking sindikato ng mga drug pusher.

“Ino-order ang drugs sa ibang bansa at ipinapadala through courier,” pahayag ni Supt. Enrico Rigor, hepe ng legal and investigation ng PNP Anti-Illegal Drugs Group.

Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …