Saturday , December 21 2024

No. 1 Typhoon Guru in all Southeast Asia next GM of MIAA

BIGLA na naman daw sumigla at nagsipag-yehey ang mga empleyado sa Manila International Airport Authority (MIAA) nang marinig nila kahapon sa isang very reliable source na isang mahusay na airline official at kinikilala sa buong Southeast Asia bilang No. 1 typhoon Guru.

Yes, MIAA GM Bodet Honrado, habang nasa loob ka raw ng iyong napakalamig na opisina ay nagsipaglundagan na sa tuwa ang mga empleyado at opisyal nang malaman na ang inirerespeto sa aviation industry na si Mr. Ed Monreal ang susunod na MIAA general manager.

Aba ‘e naririnig natin sa mga beteranong taga-airport na wala silang kuwestiyon kung si Ed Monreal nga na ngayon ay 60 anyos na ang maging Airport GM.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Mr. Monreal ay dating Cathay Pacific Airline station manager sa NAIA.

Nang  magretiro siya noong nakaraang taon, siya ay naging MIAA consultant for Airline Matters.

Maraming matutuwa kung si Mr. Monreal na nga talaga dahil siya ay mula mismo sa aviation industry.

Taon 1978 nang unang magtrabaho si Monreal sa airport at pumaloob sa Cathay Pacific (CX) noong Setyembre 10, 1982 nang rekrutin ng dating direktor na si Nick Rhodes.

Naging bahagi rin siya ng cargo team sa Maynila bago inilipat sa Cebu at doon ay 10 taon namalagi para magbukas ng bagong operasyon ng Cathay Pacific

Matapos ang 10 taon, siya ay itinalagang station manager sa Maynila hanggang malipat sila sa NAIA terminal 3.

Aba, hindi biro ang iginuhit at iminarkang reputasyon ni Mr. Monreal sa aviation industry.

Siya ay tinaguriang “great source of knowledge” at malaki ang suportang ibinigay sa Country Managers. Kilala rin siya bilang tapat at masipag na kasama sa trabaho at sa mahabang panahon ay pinaniniwalaang siya lamang ay may reputasyon na No. 1 typhoon guru sa buong Southeast Asia.

Kung siya na talaga, aba maraming matutuwa sa mga taga-airport.

Anyway, ayaw naman daw i-preempt ni incoming DOTC Secreatry Arthur Tugade ang kagustuhan ng presidente.

Totoong rekomendado niya si Mr. Monreal pero irerespeto naman daw niya ang kagustuhan ni Incoming President Rodrigo ‘Digong’ Duterte kung mayroon siyang ibang napupusuan.

Pero sa nakikita natin kay Presidente Digong, malaki ang tiwala niya sa mga taong itinalaga niya dahil subok na niya.

Ngayon pa lang, binabati na natin si Mr. Monreal…

Welcome to MIAA GM’s office, Sir!

Uy sa wakas mag-iisyu na ng lisensiya ang LTO?! (Kung kailan matatapos na ang termino ni PNoy…)

SA LOOB daw ng susunod na 12 buwan ay mag-iisyu na ang Land Transportation Office (LTO) ng 5,000,000 pieces na lisensiya na backlog nila sa loob ng anim na taon.

Ini-award na raw kasi ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang project sa bagong supplier ng driver’s license, ang Allcard Plastics Philippines Inc., sa halagang P336.868 milyon na mababa nang P37 milyones sa dating supplier na Amalgamated Motors Philippines Inc. (AMPI).

Magkano ‘este’ ano ang dahilan at ngayon lang naayos ‘yan!?

Sabi ni DOTC Secretary Jun Abaya, “We are pleased to report that license cards will soon be available to all LTO offices. We will strive to ensure that the implementation of this project will run smoothly in order to reinstate these basic services provided by the LTO.”

‘Yun lang ba ang naging dahilan, Secretary Abaya, mataas ang bidding?! O maliit ang kita sa bidding?

Mantakin ninyo, inubos muna ninyo ang termino ni PNOy bago kayo nagdeklarang bidding lang pala ang problema diyan sa LTO?!

Wattafak?!

Sa bagong supplier raw makatitipid ang gobyerno ng P113 milyon dahil ang bidding ng Allcard’s ay 25 percent na mas mababa sa P450-milyon budget para sa project.

‘Yun naman pala.

In short makapagsusubi ng P113 milyones!

Ay sus, style n’yo talaga…BULOK!

Hindi maka-move on ang mag-among Reyna l. Burikak at arkiladong manunulot

Dear Sir Jerry,

Isa po ako sa mga taong pinupulong tuwing Biyernes sa Uno Restaurant ng tinatawag ninyong reyna ng illegal parking sa Lawton.

Noon po iyon. Matagal na akong wala sa hayop na huklubang matanda na ‘yan. Nasulot kasi ako ng arkiladong manunulot na ipinakilala ko lang diyan kay Reyna L. Burikak.

Aba, tuwang-tuwa po ‘yang huklubang matanda na ‘yan noon nang mabigyan ninyo ng espasyo ang isang barangay chairman sa inyong diyaryo.

Ang sabi n’yo raw po, bibigyan ninyo ng espasyo’yung chairman para naman maiparating sa kanyang constituents ang mga ginagawa ng barangay para sa development ng komunidad.

Pero ang talagang naglulundag sa tuwa ‘e ‘yung reyna ng illegal parking sa Lawton.

Kaya tuwing Biyernes, kaladkad po ng Reyna L. Burikak ang inyong pangalan at pangalan ng inyong diyaryo. Sinasabi po sa mga kinokotongan niyang driver na dagdagan ang budget dahil bibili ng chicken casserole pie at softdrinks para raw po sa opisina ninyo.

Kaya nagtataka po kami kung bakit sinasabi ng isang chairman na nagbabayad para makapagkolum sa isang diyaryo sa port area na kayo ang naghihingi ng pameryenda?!

E sabi nga po noong naghahatid sa inyo ng meryenda tuwing dumarating siya sa opisina ninyo ‘e nagmemeryenda na ang mga staff ninyo.

Sabi rin po ng kusinera ninyo, nagpapa-lunch at nagpapameryenda kayo ng mga staff ninyo.

By the way, ang inoorder nga pala parati ni Reyna L. Burikak ay tatlo. Para raw sa dalawang diyaryo at ‘yung isa ay solong nilalantakan no’ng utusan niyang tinatawag ninyong arkiladong manunulot.

Ang siba pala lumamon no’ng arkiladong manunulot, parang patay-gutom kung makangasab ng chicken casserole pie.

Mantakin ninyo, chicken casserole nginangasab?!

At kung lumaklak ng de-boteng softdrinks si arkiladong manunulot parang tsupon, ayaw nang alisin sa nguso niyang mukhang besugo.

Naku, Sir Jerry, pasensiya na po kayo sa mga salita ko, hindi ko kasi mapigilan, masyado po kasing sinungaling cla.

Nagtataka nga po ako kung bakit ayaw pang tanggalin sa diyaryong ipinamamalita ni Reyna  L. Burikak na sinusupalpalan niya ng P10,000 kada linggo para sa espasyo ng barangay chairman.

Sige po, Sir Jerry dito muna.

Sa susunod nga pala, may ikukuwento pa ako sa inyo, sa modus operandi ng reyna ng illegal parking sa Lawton. Mabuhay ka Sir Jerry!

Rene O.

Ex-Tanod

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *